Free Legal Advice

Looking for free legal advice online? Look no further! Welcome to Attykalibre, your one-stop destination for hassle-free, fast, and convenient legal consultations right from the comfort of your desktop PC, mobile phone, or tablet.

Attykalibre.com brings together a team of experienced legal professionals from various fields who are dedicated to providing you with reliable advice through live one-on-one chat consultations. The best part? It’s absolutely free!

Here’s why you should choose Attykalibre for your legal inquiries:

1. Simple and User-Friendly: Navigating Attykalibre.com is a breeze. With our easy-to-use platform, you can quickly find the legal assistance you need without any complexity.

2. Speedy Responses: No more waiting in long queues or playing phone tag with lawyers. Attykalibre ensures rapid responses, saving you valuable time.

3. Free Legal Advice: We understand that seeking legal counsel can be costly. Attykalibre breaks that barrier by offering free consultations, so you can get the help you need without worrying about fees.

4. Ultimate Convenience: Busy schedules and tight commitments? No problem! Attykalibre allows you to access legal advice whenever and wherever it suits you best.

Join Attykalibre.com today and become a member for free! As a member, you can request a meeting with an attorney of your choice, be it a personal injury lawyer, family law attorney, bankruptcy attorney, or an expert in various other specialties.

Don’t hesitate! Visit our website now and click on the free legal advice widget to get started. Let Attykalibre.com empower you with the legal knowledge you seek!

2,820 Responses

  1. Ask ko lang po kasi yung kuya ko may asawa sya. Samin sila nakatira ngayon tapos may isa silang anak. 2 years old. Ngayon yung babae po, may ibang lalaki which is yung ninong nung pamangkin ko. Magkasama sila ngayon sa trabaho. May isa na ding anak yung kabit nung asawa ng kuya ko tapos ngayon buntis po yung babae dun sa kabit nya. 2 years old pa lang po yung bata, kasal po sila and kapag nagkataon po, may habol po ba yung kapatid ko dun sa custody nung bata?

  2. Good Morning Sir.

    Gusto ko lang po malaman kung hahabulin po ba ako ng employer ko kung magbibigay po ako nang resignation during my bond period. May 20000 employment bond po kasi ako for 6 months pero di ko na po kaya pumasok dahil ang layo at nawawalan na po ako nang time para sa sarili ko. Also, ang contract ko po at job description ay hindi pareho nang work ko po ngayon at hindi rin po ako binigyan nang panibagong contract pero sinabihan po ako.

    Magreresign naman po ako nang maayos at bibigyan sila nang 45 days para mapalitan ako pero kailangan ko pa rin po bang bayaran yung employment bond ko po?

  3. GoodAfternoon po atty.’ask ko lang po ano po ba dapat kong gawin kasi nag try po ako magloan sa onlineloan apps like(Pondopeso,Goodloan,onlineloan,Handyloan)nagfill up po ako ng form sa kanila den rejected po ako..fast few days po may tumawag at nagtxt na bayaran ko daw po yung pera nakuha ko sa kanila bago dumating po yung duedate ko! Nagulat po ako kasi wala naman po ako natangap na pera kasi alam ko po na reject ako sa kanila.den ilang days po nagtxt na sila sa mga contact ko sa phone na hindi ko naman po nilagay sa refferences ko nung nagfill up ako sa kanila..lahat po ng contact ko tinawagan at tnxt po na may naka indicate po na pag di ko daw po binayaran yung nakuha ko ipapablacklisted nila ako sa nbi,police,at sss pagibig loan..ipopost pa daw po nila yung face ko sa facebook ! Natatakot na po ako kaya hindi ko po alam ano gagawin ko…sobra na po kasi pananakot nila at pamamahiya sakin sa pangalan ko..sanapo mapansin nyo tong message ko..Thank you po and godbless

  4. Hello Atty.,
    Ask ko lang po kung may laban po ba kami sa mga online lending company na nanghaharass sa amin. pag napast due ka ng 1 day, they will call all our contact list na nakasave sa phonebook namin. Nilalabag po nila un data privacy act of 2012 then they harrass all our contact po na kesyo ipapakulong nila pag di daw ngbayad un tao sa knila at madaming text message sila nang pananakot. kahit makiusap ka ayaw nila pakinggan. if you ask if san un office nila para dun isettle lahat ng nautang, di naman po nila sinasabi. sobrang pamamamahiya po ang kanilang ginawa. anu po ang dapat gawin?
    salamat po

  5. Good day.. Atty. May online loan po ako.. And nag 5k n sya.. With daily interest..
    Humihingi po ako s kanila ng permission kung pwede ako mag partial payment and kung pwede mahinto ung daily interest.. Hindi po kasi ako makakabayad kung ganun p din gagawin nila.. And lagi sila nag message n ma ban daw po ako p black list s nbi and pa terminate s trabaho.. And punta sila brgy.. And lahat ng nsa contacts ko nag message sila.. Anu po b maganda gawin ko..

  6. Hello po, aak kang po. May online lending po ako na inapplyan few months ago, and hindi ko po sya mabayaran due to financial problems na po. Hindi ko na po sinasagot tawag nila kase nanghaharass na, pati po mga kamag anak and contacts ko tinatawagan nila and hinaharass nadin. Wala po sa contract ang tatawagan nila mga contacts ko aside sa reference # ko. And hinaharaas po kaming lahat, indispite na wala na kong mukang maiharap sa kanila dahil sa khihiyan. Ano po kayang pwedeng gawin? I know my responsibilities pero sa ginagawa nila hindi na fair. Alam ko may utang ako pero yung ipahiya ako at harassing lahat ng nasa contact lost ko is very unfair na. I hope you can help me. Thank you.

  7. Sir good morning ASk ko lang po kukuhanan ko po sa na ng pasaport yung anak ko kaso illegitimate Child cya D kame kasal ngayun nasa akin yung bata 9 yrs old na cya yung nanay my kinakasama ng iba my 2 na din silang anak at D na din cya nag papa ramdam 1 yr mahigit na l. Apelyido ko po gamit ng anak ko, my chance po ba na makuhanan ko cya ng passport without his Mother consent D ko na din alam kong San cya nakatira. Salamat po

  8. Hi po attny, ask ko lang po wat if nkipaghiwalay asawa ko kc mas pinili nya kabit nya kht may anak n po kme anu po mgiging kaso s babae at sa asawa ko?

  9. Good Morning po, Meron po aqng gustong hingiin na advice ,regarding sa problema ko sa Developer ng Condo na nabili ng asawa q noong 2013. From CDC DEVELOPER Inc. binili po eto ng Spot cash. May 13,2013 at bayad dn po ang other fees, transfet, misc fees, advance 1 yr payment in Rpt ,and 1 yr advance sa Assoc fees .pero Contract to sell po ang aming hawak. 2014 po kami nag move in sa unit .at by that time ineexpext po namin na maibibigay na yun CCT 6months to 1 yr po.pero hindi po inayos ng seller yun pag transfer, until on 2016 nagkaron kami ng balanse sa RPT hanggang 2018.then last August po nag abiso ang seller /developer na kelangan daw namin bayaran na yun balance namin sa Rpt para maayos na yun transfer ng name sa title. Pag hindi das naayaran they will be firced to cut our water connection, and that is what they did.2x kami pinutulan ng tubig kahit na wala kami balanse sa Assoc dues and water .Gusto namin sana mag sampa ng reklamo. Pero wala po kami pera para makapag sampa ng case. Ano po ba pwede namin pang depensa laban sa developer. Anong pwede namin isampang complain if ever. At magkano po ba ang pag file ng conplain? Gusto ko rin sana maibigay na nila ang CCT .dhl fully paid na po ang Unit. 2013 pa po. Sana po ay mabigyan nyo po aq ng advice.Salamat po.

  10. Gudmorning atty..naghiwalay na po kmi ng asawa ko pero hindi po kami married..tpos may boyfriend po ako now pero hindi po kami live-in..may balak po akong kunin ung anak ko sa dati kong kinakasama..ayaw nmn nyang pumayag.last may 29 lang po kmi naghiwalay ng dati kong kinakasama..makukuha ko pa po ba ung anak ko sa knya?pinapabayaan nya daw po kase at wala po syang work now

  11. Hi po ask ko lang if may mag asawa po na d na mag kasundo at yung lalake ay gusto n makipaghiwalay sa spouse nya dahil ito ay mukang pera ata tinatakot sya palagi na isusumbong sa human rights at kaaksuhan nang psychological abuse pag hindi na susunod ang gusto nya kaya gusto nya na makipag hiwalay pano po pag nag file sya nang annulment at ayaw pirmahan nung babae? Thank you po

  12. Tanong ko lang po kung anong pwedeng ipang laban sa accusation about sexual abuse po? Yung nangyari po kasi lumipat po kami muna sa lola namin kasi nag brown out sila yung may kuryente. Nung gabi pa lang na yun pinapauwi na namin yung pinsan namin na babae pero di sya umalis. Tapos nung nag umaga mga bandang 6am nangyari na pinahawak nung kapatid ko yung ari nya dun sa pinsan kong babae na natutulog. Bigla nalang din nagising yung pinsan ko tapos sabi “hala gago” hindi sya agad nagsumbong. Nagsorry ng nagsorry yung kapatid ko kasi prang wala pa din sa wisyo kasi kagigising lang. Kilala ko yung kapatid ko at hindi yun ganung tao na ganun ang gawi. May gf yung kapatid ko na yun at kahit isang beses walang nangyari sa kanilang ganun. Hindi din naman nagalit yung gf nung kapatid ko kasi kilala nga sya na tahimik lang tapos matino. Nalaman ng tito ko yung nangyari kaya sumugod sya sa bahay namin nagiiskandalo at nagmumura. Nagsink in lang lahat ng nangyari sa kapatid ko nung nakauwi sya sa bahay. Ilang beses kaming nagtry mag approach para makipag ayos pero di nila kami kinakausap. Pinabaranggay yung kapatid ko which is 18 yrs old at nung dumating kami dun 2 beses daw kami hindi nag appear ang sabi namin kakakuha palanv nung sulat. Yun palang yung unang beses na nakatanggap kami. Hindi sila sumipot. Tinanong kami sa baranggay kasi pinayuhan kaming makipag usap kasi kamag anak naman daw at ayusin pero ang sabi nga namin ayaw nga nila makipag ayos at makipag usap. Tinawagan sila ng baranggay para sabhin na nandun na kami pero ang sabi nalang itataas na daw yung kaso. Hindi na daw haharap. Yung kapatid ko hindi na makalabas ng bahay. Depress na at gusto nang magpakamatay. Lagi lagi nalang umiiyak.

  13. Good day. Bago po makipaghiwalay sakin ang ex fiance ko my relasyon n sya sa babaeng kasal at may anak. Pede ba sila kasuhan ng husband ng babae? Mgkawork din po sila at maaari po bang ireport sila sa hr dept ng company nila dahil sa panloloko nila at paninira ng pamilya? Nghiwalay n din ung mgasawa at sumama n yung babae sa ex ko.

  14. Good pm po. Magtatanung lang po kung anu ang dapat gawin. Nakabanga po kac ung kapatid ng husband ko ng bata na biglang tumawid. 5yrs old lang po bata. Mabagal lang po ung trycicle kaya gasgas at paso lang ang nangyari sa bata. Kami napo ang gumastos sa lahat ng gamot at xray. Kaso hanggang ngayon po hingi padin ng hingi ung lola ng bata para sa oinment at st scan daw po. Nakakalakad naman po yung bata. Wala naman fracture. Kaso humihingi padin po cla ng pera. Diba po may pagkukulang din yung magulang at guardian ng bata dahil d nya binantayan yung bata kaya tumawid at nasagasaan.?
    Anu po kaya ang pwede namin ikaso o gawin?

  15. Good day. I was wondering if you could help. Here is the situation:

    Complainant and suspect had a heated argument online (messenger). Both used strong and profane words during the conversation. The conversation led to a meet-up.

    Complainant went to the suspect’s house. Complainant stood outside the suspect’s house and asked loudly, “Where’s the tough one?” Suspect went outside his house and drew near the complainant, his face no more than an inch from the complainant’s. He then pushed the complainant and started beating him. Complainant didn’t strike back and was compelled to simply cover his face during the assault. The suspect was drunk.

    Suspect’s family intervened but suspect didn’t stop. Suspect’s family held complainant back when he wanted to stand up for himself yet suspect was still repeatedly able to hit the complainant. The complainant never hit the suspect back. There was an off-duty cop on site. After the assault, the cop threatened the complainant that if you do not leave, he will take both of them. The complainant countered by saying “Yes, take us.” but the cop did not (assuming that he knew his neighbor, the suspect, was drunk).

    Complainant had already filed a police blotter and obtained medical certificate (medico legal) for the injuries. They are scheduled to meet at the barangay before complainant formally files a case.

    Does the complainant have a winning chance in court if he files charges for physical assault, injuries, and to what degree? What cases could he file, if he could at all?

    Thank you for your help. Doing this for a friend.

  16. Good evening po atty. Gusto ko lang po itanong na may karapatan ba ang isang paaralan na ipa shave ang beard ng isang estudyanteng nagpapatubo ng beard for religious reasons (orthodox jew).

  17. Hi po me nabili po akong lote kaso nlaman ko parte po pala ng right of way ng subdivision me bahay napo kase nakatirik dati doon at nireconstruct ko lang po me main road sa harap pero me pader ng dating bahay gusto ko sana buksan yung pader dahil me garahe ako ginawa sakto na sa kalsada pero ayaw po pumayag ng association ayaw po nila pabuksan ang pader ano po pwede kp gawin

  18. Atty magandang hapon po. Ako po ay may mga pagkakautang sa mga lending app na nakikita sa facebook. Hindi naman po ito ang unang beses na ako ay nakapag-loan sa kanila. Ang ilan po sa mga lending app na ito ay 2 o 3 beses na po at nababayadan ko naman po. Ngayon lang po ako medyo nahihirapan sa pagbabayad dahil po gipit po ako sa mga panahong ito. Ngayon po ay halos lahat na po ay nag-due na. Hindi ko naman po tatakbuhan ang mga obligasyon ko sa kanila pero ngayon po kasi ang nangyayari ay tinetext po nila ako ng pananakot na kesyo ako po ay ipapa-barangay. May mga pagkakataon po na tinatawagan o tinetext po nila ang mga nasa contacts ko specially pamilya at opisina tungkol po sa aking liabilities sa kanila. Hindi po ba parang n-take advantage na po ang right of privacy ko? Ano po atty ang pwede ko pong gawin? Maraming salamat po.

Leave a Reply