Free Legal Advice

Looking for free legal advice online? Look no further! Welcome to Attykalibre, your one-stop destination for hassle-free, fast, and convenient legal consultations right from the comfort of your desktop PC, mobile phone, or tablet.

Attykalibre.com brings together a team of experienced legal professionals from various fields who are dedicated to providing you with reliable advice through live one-on-one chat consultations. The best part? It’s absolutely free!

Here’s why you should choose Attykalibre for your legal inquiries:

1. Simple and User-Friendly: Navigating Attykalibre.com is a breeze. With our easy-to-use platform, you can quickly find the legal assistance you need without any complexity.

2. Speedy Responses: No more waiting in long queues or playing phone tag with lawyers. Attykalibre ensures rapid responses, saving you valuable time.

3. Free Legal Advice: We understand that seeking legal counsel can be costly. Attykalibre breaks that barrier by offering free consultations, so you can get the help you need without worrying about fees.

4. Ultimate Convenience: Busy schedules and tight commitments? No problem! Attykalibre allows you to access legal advice whenever and wherever it suits you best.

Join Attykalibre.com today and become a member for free! As a member, you can request a meeting with an attorney of your choice, be it a personal injury lawyer, family law attorney, bankruptcy attorney, or an expert in various other specialties.

Don’t hesitate! Visit our website now and click on the free legal advice widget to get started. Let Attykalibre.com empower you with the legal knowledge you seek!

2,820 Responses

  1. Good morning po.. ask lang po kung pwede po ba kasuhan ang tao nakatitig ng masama. Meron po kaming paghaharap sa barangay tungkol sa puno basura at manok nilajg madami. Pati po pamangkin ko lalake minura nya at tangkang ssuntukin pati na rin pamangkin kong babae. Tuwing makikita nya ang pamangkin kong babae tinititigan nya ng masama. Pwede po syang ireklamp. Salamat po.

  2. Good morning, Atty.

    I just want to ask po regarding my father’s case.. Sometime last year po kasi nagloan sya sa isang microfinancing firm then ngayon lang po namin nalaman na yung tubo sa inutang nila is almost half ng principal loan nila pero sabi nya upon discussion with the lender, 2.5 % lang ang interest rate. But when we check dun sa contract na pinirmahan nila with the lender, wala pong interest rate na nakalagay pero may nakalagay na “unearned interest income” which is equivalent po sa tutubuan nila pag natapos na yung pagbabayad. Ang question ko po, hindi po ba panloloko yung ginawa nila sa father ko? And ano po pwede naming gawin regarding this? Btw, yung contract po na pinirmahan nila is half of a bond paper lang na not notarized.

    Thank you so much po!

  3. Question po. Nakatira kami sa isang compound kung sa bandang dulo kami at may nakapark na kotse. Ngayon po yun nasa unahan na bahay maraming motor wherein hindi kami makalabas at nagsasabi laging mga perwisyo kami kasi nilalabas pa nila yun motor nila para makalabas yun sasakyan namin. May karapatan po ba kmi sa daan since common area po yun?

  4. Hi Atty. Good morning po. Inquire lang po. May girlfriend po ako at nakapagdecide po kami na magpakasal this Dec 2019. Marami na po kami nabayaran. Yung gf ko po nasa Dubai nagwwork. Mas malaki ang naiambag nya sa preparation ng kasal. Then came the time na mamamanhikan na po kami. Umuwi dito Pinas magulang nya kasi dun din sila nagsstay. On the supposed day of pamamanhikan, nagchat yung gf ko na di daw tuloy ang pamamanhikan. Bale nasa Dubai po xia at mangyayari sana ang pamamanhikan na ako lang with my parents at parents niya. Di kasi xia makauwi. Yun nga po, day ng pamamanhikan, di niya na kami pinatuloy kasi di na daw xia sigurado sakin. Nag-aaway naman po kami at siguro mejo madalas pero not to the point na paghihinalaan ko na nagddoubt na pala xia. Anyway, sabi ko at family ko ligawan ko ulit, suyuin at ayusin lahat. Okay naman po after ng nacancel na pamamanhikan. MAY dapat yun. Bigyan lang daw xia ng time para makapag-isip. After 3 weeks or so na walang away at maayos naman kami, tawanan and everything sa chat, nabigla ako isang gabi ng sinabi niyang nababawasan na feelings niya sakin. Nagpanic na po ko kasi sabi ko di ko na alam nangyayari bakit nagkakaganto na xia. Kinabahan po ako kasi maayos na kami pero parang paayaw na talaga xia. May babayaran pa po pala kami na 30k dapat before end of june. Sabi q sa kanya kelangan nya na magdecide kasi mafforfeit na yung venue if di magbayad. Sabi niya July daw xia magddecide. Bale po, may 30k na talaga naallot para magbayad. Pinadala nya yun as part of 80k at yung 30k na lang ang natira kasi the rest binayad na sa suppliers. Sabi q end of june xia magdecide kasi masasayang yung bayad if magddecide xia ng July. Nagppanic na din po ako kasi sa tingin ko habang tumatagal, mas ayaw nya na sa akin. Sa kakakulit ko po, nagdecide xia na makipagbreak. June 17 po xia nakipagbreak. Nagpaalam na ko kagad sa family niya on the same day. Then on June 23, nagpaalam na din xia sa parents ko at sinasabi niya pang ako daw excited magbalita sa family niya na break na kami. At nagmessage din po xia na hati dae kami sa lahat ng nagastos at ibalik ko daw muna sa kanya yung remaining 30k. Nasaktan po ako at sabi ko sa kanya kung ano position nya. Na pwede ko nga xia kasuhan for the pain at kahihiyan dahil sa kanyang breach of promise to marry plus dapat niya ibalik yung mga naihulog ko din sa mga suppliers regardless kung magkanu. Mas malaki po kasi talaga ang nabayad nya since xia ana mas able samin. Okay naman sa kanya before at di ko naman pinilit. So sabi ko dapat walang singilan, parang offset na. Yung 30k parang compensation na lang din sakin. Sabi niya bnblackmail ko daw xia. Then blinock nya na ko sa facebook and messenger. Nakwento ko sa ate ko at galait na galit xia kasi Bad Faith na daw ako. Dapat di na lang daw ako nagreply. Hinayaan ko na lang daw. Bad Faith daw ako kasi parang i threatened her na di q na ibabalik kasi pwede ko xia kasuhan. Nagpanic din ako. Di q alam yang bad faith na yan. So nagmessage ako sa gf ko na magbabayad naman ako kasi yun ang tama. Di na xia nagreply sakin. Yung mama nya ang nagchat sakin. Sabi q sa gf ko na 25k muna down then 15k later na lang. Ginawa ko na po 40k para iwas gulo kasi natatakot ako na gaya ng sabi ng ate ko ibabaliktad ang kaso at baka ako tuloy ang makakasuhan. Anyway, nagsend na mama nya ng details regarding sa bank account na pagssendan ko. June 24, nagpadala ako 25k from my PSBank acct to her mom’s PNB acct. Then narcv ko lang message ng mama niya na BDO pala dapat at hindi PNB. Tama ang acct number pero dapat BDO at hindi PNB. At ngayon napag-iisip ako kasi gusto ko sana ng matinong hiwalayan pero kagabi tumawag magulang ko na blinock na din daw sila ng gf ko kasi daw yun yung sabi ko sa kanya sa mga ex nya so since ex nya na ako, ibblock nya na din daw family ko. Ex pala po hindi na gf. Mejo nasaktan din ako dun kasi pakiramdam ko ang bilis niya ko gustong itapon na lang kasi oo mejo naghhope pa ako na maayos pero ngayong pati magulang ko blinock na din, napapaisip ako. Ako nga magulang nya, di q bnblock. Ngayon, dapat ba ako magbayad pa din? Or pwede bang hindi ako magbayad ni isang kusing? May kaso ba sila pwede isampa sa akin just in case? Nalilito na po ako. Salamat po

  5. Hi Atty.,

    Gusto ko po sana magfile ng complaint sa workplace ng asawa ko tungkol sa mistress nya. Pareho po silang nagwwork sa iisang company and yung mistress po kasi di pa din tumitigil on texting me and posting negative on social media about me and my husband. Ano po kayang legal actions ang pwede ko gawin to stop her and to possibly have her terminated s work nya. Thank you po.

  6. Good am po atty. Ask ko lng kung pwede ako mag file ng dissolution of marriage since hiwalay napo kmi ng asawa ko for more than 15yrs.. Nagpakasal po uli cya nun 2010 kaya nakasuhan kopo siya ng criminal case na bigamy. Gusto ko lang po sana na mapawalang bisa na kasal namen at mkapag pakasal na din ako sa iba. May bayad po ba ang dissolution of marriage? Paano po ba mag ifle? Thanks.

  7. Hi atty. Ako po si kimberly gavilan. Hingi lang po sana ako nang advice. Nag loan po kase ako sa online lending app. Nag due na po ako at until now hnd pa po ako nakakabayad due to financial problem hindi ko po sila mabayaran agad. Araw-araw po akong nakakatanggap sa ibat ibang number ng tawag at text na kasama na po yung pang haharass sa akin at ipopost dw po ako sa facebook. Pati nadin po sa company ko tawag po sila ng tawag pero hnd nila sinasabe kung anong company sila. Dahil po sa nangyare kinontak po ako ng manager namen kung bakit ko dw po binigay ang information ng company pari ang contact number ng mismong president. Sobrang napahiya po ako lalo sa trabaho ko. Wala nmn po akong ibang nilagay na reference number bukod sa family ko lng po. Pero lahat ng nasa contacts ko po tinatawagan nila. Dko po alam san nila nakuha yung number ng mismong boss ko. At sbe po ng manager ko possible dw po ako madissmiss sa work ko.

    1. Ano pong dapat kong gawin?? Napapahiya po ako sa lahat. Sobrang nastress napo ako. Humihingi nmn po ako sa kanila ng panahon para para makabayad pero nagagalit po sila at nag chachat sa akin gamit ang mga dummy accounts.

  8. Gud morning ask ko lang po kung may karapatan ba Yung bunso lalake sa lote Kasi nasa kanya daw pinangalan ung lote kahit apat pa cla magkapatid nakahati dun sa l0te?

    ang masaklap namatay pa ung mga magulang nila kaya Yung bunso nagpatira ng ibang Tao sa bahay ng nanay nya na namatay na imbes Kapatid ang pinatira dun kinakalat pa sa iba na Yung bagong nakatiira sa kanila eh nangungupahan daw kahit Hindi naman..
    Sana po masagutan ninyo gumugulo sa isip ko thank you po god bless

  9. Gud eve po atty. May tanong lng po ako.May asawa po ako isang poriner at kasal kami. Bumili kami ng lupa at bahay nakapangalan sa akin. Pinilit n’ya ako na pumirma na E mortgage daw yung property sa name n’ya at kapag di ako mag sign palalayasin n’ya ako at di ko na makita anak namin kaya pumirma nlng ako dahil natakot po ako. Atty may way po ba na magsawalang bisa po yun?Ano po ang gagawin ko para magkaroon ako ng karapatan sa bahay at lupa? If maghiwalay kami mapapalayas po ba niya ako sa bahay namin kasi may pinirmahan akong mortgage?May batas po ba na pwede E mortgage ang bahay at lupa sa sarili mong asawa?Pasensya na po talaga Atty mahina lng po talaga ako kaya pumirma ako sa mortgage na yun. salamat po Atty . Mabuhay po kayo!

  10. Hello po, I work for a private company, BPO to be exact and I have been with the company for about 2 years now. I am currently 7 mon pregnant and has already filed for my maternity benefit. I was just recently informed that the company will be releasing may maternity benefit after I give birth. Is this even justifiable? I read form SSS and even on the new expanded MAT law, that the company should be paying the qualified employee in advance at least 30 days from filing. Anf then file the necessary documents so SSS can have it reimbursed right away. They can even be penalized by the law or imprisoned for about 12 years. My question is, is this even applicable to my situation? My papers are all set, just waiting for their response. I hope you can help me out. Thank you.

  11. Hi Atty! Ask ko lang po magkakaroon po ba ako ng warrant kung sakaling hindi ako maka attend sa first hearing ko ng BP 22? Kung nabayaran ko naman po 2 days after ng hindi ko pag attend may kaso parin ba ako? Thank you po!

  12. Hi atty. Im a business owner. May foreigner at pinay couple po ang lumapit sakin na naging client ko sa business. Naginga palagayan ko po ng loob at nagkasundo na ako po ang gagawa sa mga orders niya. Now we got an export order. Nagkasundo po ng specific materials pero since di po available yung materials we change it with his(foreigner) approval. We completed and shipped the order. And after 2 months i received the payment. Now nagorder po ulit siya ng local order. He paid 30% of the total price as down payment. We conlleted and shipped the order. After 2 months naniningil po ako sa kanila pero ang sabi reject daw po yung order so di na daw po nabayaran i asked for an evidence na di nga po nabayaran or nareject yung order pero wala po silang sagot. Ive been calling them pero di po sila nasagot sa call and text ko. Pinipilit ko po silang bayaran at nagsabi po ako sa kanila na sa barangay po kami magusap kung papaano oo mabayaran. After days i received a letter from them stating na the export order was also rejected kasi sira daw po beyond repair at nagrereklamo daw po yung client na iba ang wood na ginamit. Nabanggit po kasi dati nung foreigner na okay naman daw po yung order when they received it. There are some small damage pero nature na po yun ng product. Naguguluhan po ako kung ano ang gagawin. Wala po akong evidence maliban sa mga recorded calls and verbal agreement. Wala din pong documentation. Atty please guide me kung ano po ang gagawin ko. May babayaran pa po sila sakin na nasa 80k + ibang unpaid orders.

  13. Cyberlibel na po ba kapag nagname drop sa post sa social media? Paano po kung paulit ulit na po sya nagpopost ng malisyosong pahayag? Paano naman po kung nagpost sya na may picture pero nakablurred? Ano ano po ang pwedeng ikaso at ano po ang proseso? Maaari po bang matanggalan ng lisensya kung sya ay professional?

  14. Hello Atty! Magandang hapon po. Meron lang po ako itatanong about sa karapatan sa lupa at bahay. Ang parents ko kasi ay separated na pero hindi pa sila Annuled or di pumayag ang Mother ko sa Annulment. Married po si Father ko sa Mother ko and kami ung first family ng father ko. So actually meron kinakasama ang Father ko na hindi sila kasal pero may anak silang dalawa kumbaga “Kabit” tapos merong bahay at lupa na pinatayo ang papa ko. Tapos pinangalanan nya ung bahay at lupa sa kabiy niya. May karapatan ba sya dito na angkinin ito kahit naka pangalan sa kanya ang lupa or kami ang Legal Family ang may rights dito kahit nakapangalan sa kabit ung lupa. Thank you po Atty!

  15. Gud pm po atty. mag ask po sana ako, may 3 po kasi akong anak, at hindi kami kasal ng ama ng mga bata, nag sussustento namn po kaso kulang po ang binibigay na sustento,malaki namn po ang sinasahod at may mga extra pa syang natatanggap na pera sa trabaho nya, kya lumapit po ako sa PAO, naka schedule palng po ang hearing namin, may karapatan po ba ako magsabi ng halaga para sustentuhan nya ung mga bata, kapag po ba nag asawa sya at nagka anak sa asawa nya, may karapatan parin po ba ang mga anak ko sa pera ng ama nila kahit hindi naman po kami kasal ng tatay nila, may habol parin po ba ang mga anak ko kung sakali sa mga mamanahin nila sa ama nila?

  16. Kung hnd po nagbabayad ng boundary ang isang driver sa isang boundary hulog na kontrata, wala po ba kami karapatan na kuhanin na lang ung sasakyan?

  17. Good morning. Ask ko LNG po kasi ung kapatid ko di nya nerimit ung benta ng gulay na pagmamay ari ng ako nya.. Itinakbo nya po ito. Anu po bang ikakaso sa knya ng ako nya.. At ano po pwede nya gawin para malutas and pblema.. Sabi dadamputin nadaw xa bumaba na subpoena nya. Any po na tamamg proseso

  18. Hi po, hihingi po ako ng advise may bf po ako may problem yung birth certificate nya kase po na void yung kasal ng parents nya kasi po may unang asawa yun mama nya 1980 po kinasal ang mama at sa unang asawa then 1981 nawala yung asawa nya lumubog yung barko wla pong death declaration. 1996 po ng ipanganak yung bf ko tapos po 2001 po kinasal yung parents nya. Pano po ang gagawin nmen hnd po sya makakuha ng PSA Birth Certificate kase po na void yung kasal ng parents nya.

  19. atty ask ko lang po, kung makakasuhan po ba akong ng estafa, nagkautang po ako sa isang financer na partner ko rin po sa coconut buy and sell, silbi po kami ang marketing agent nya sya rin po ang kumukuha sa amin ng niyog, e nalugi po, may pirma po ako tuwing kumukuha po ako ng kapital willing naman po ako magbayd kaya lang po ayaw po niyang pumayag na buwan buwan, umabot po kasi ng 250,000, e 1500 lng po ang kaya naming ibayad sa kanya kasi po driver na lang po hanapbuhay ng mister ko ngayon. makakasuhan po ba ako ng estafa?

Leave a Reply