Free Legal Advice

Looking for free legal advice online? Look no further! Welcome to Attykalibre, your one-stop destination for hassle-free, fast, and convenient legal consultations right from the comfort of your desktop PC, mobile phone, or tablet.

Attykalibre.com brings together a team of experienced legal professionals from various fields who are dedicated to providing you with reliable advice through live one-on-one chat consultations. The best part? It’s absolutely free!

Here’s why you should choose Attykalibre for your legal inquiries:

1. Simple and User-Friendly: Navigating Attykalibre.com is a breeze. With our easy-to-use platform, you can quickly find the legal assistance you need without any complexity.

2. Speedy Responses: No more waiting in long queues or playing phone tag with lawyers. Attykalibre ensures rapid responses, saving you valuable time.

3. Free Legal Advice: We understand that seeking legal counsel can be costly. Attykalibre breaks that barrier by offering free consultations, so you can get the help you need without worrying about fees.

4. Ultimate Convenience: Busy schedules and tight commitments? No problem! Attykalibre allows you to access legal advice whenever and wherever it suits you best.

Join Attykalibre.com today and become a member for free! As a member, you can request a meeting with an attorney of your choice, be it a personal injury lawyer, family law attorney, bankruptcy attorney, or an expert in various other specialties.

Don’t hesitate! Visit our website now and click on the free legal advice widget to get started. Let Attykalibre.com empower you with the legal knowledge you seek!

2,820 Responses

  1. Atty ask ko lang po ano pwede namin ireklamo sa barangay sa maiingay naming kapit bahay. Nagrerent po kasi kami tapos ung kapit bahay namin sobrang ingay. Babawalan nya lang apo niya nagsisigawan na sila, papagalitan niya anak nya magsisigawan sila, minsan ung usap lang nila ang lalakas ng boses. 4 lang sila pero grabe po ung perwisyo ng ingay nila. Salamat po.

  2. Meron po akong stepmom dati pero naghiwalay po sila nung october 2018 dahil nanlalaki po yung stepmom ko, bago po sila naghiwalay parang wala na po syang pakialam sa mga kapatid ko na 5 at 2 years old palang, hanggang ngayon po di po sya nagpapakita ng pagmamahal sa kanila, bali ako po ang nagaalaga sa mga kapatid ko. Balak pong magtrabaho abroad ang papa ko po kaso po pano po kung bigla nya pong kunin mga kapatid ko habang nasa ibang bansa po sya? Ano pong gagawin ko?

  3. Good pm po..ask ko lang po, tama po ba na pag hndi nakabayad sa utang ay ikakalat thru text messages ang ginawa mo? pero nakikipag usap ka nman at sumasagot sa mga tawag, nataon lang na wala ng pambayad sa ngayon gawa ng may emergency lng..pano po kaya yun?

  4. good afternoon atty. this is jomar tolentino. im a victim of bpi credit card fraud wherein my card was used without my authorization thru online transaction amounting to 100k. when i saw the fraud transactions, i immediately reported it thru phone call and email. after a few months, bpi is saying that it is still my fault and i will be charged with the amount and im being harassed by their agents that they will endorse my account to their legal for action. what can i do to protect myself? and what can i counter suit against bpi and their agents? thank you for the assistance

  5. Hi atty, tanong lng po kapag po ba hnd binabayaran ng Tama ung sahod NG empleyado like hang gang ngaun d parin po bayad ung 13th month pay NG 2018, ung salary NG January tsaka salary ngaun April 15 wla padin. Tsaka ung minumura ka PA NG boss MO kapag magsesend ka NG resignation.. Does the employee has the right na po ba to leave the company? Bka po kc maging abondonment po ehhh

  6. Good day, i would like to ask about my case, I loaned 5000.00 PHP online @ cash lending, less than a month from the date i loaned, the problem is that, i did not pay on time. Because the intended money for the payment, i used for emergency. i said to my self i’ll settle it on the 20th of may, but yesterday i got shock when everybody message me & asking why i make them my reference without there permission, all my relative recieved same message. Even one of them i did not used their names & contact numbers. My questions is, how they got all the contacts of my relative even the landline number? is this legal? this case can be consider as character assassination?

  7. Gud morning atty.just want to seek for legal advice.my x husband sought legal assistance to pao office for visitation rights with respect to my son with disabilities.We’ve been done 3 times hearing in brgy.where in we never made any settlement because he is inconsistent with his decisions,and lastly he threathen me that’s why I dont to see him anymore and talk to him.What is the possible outcome result if I will never appear or attend the mediation/conciliation he ask to one of atty.of pao? What is the best thing I can do to solve this problem to my x husband? Thank u for looking out and response my question atty.God bless..

  8. magandang umaga po Atty.
    tama po ba any paraan ng pay papaalis sa amin ng aming kapitan?
    kami po 20 yrs. at any iba ay higit p na naninirahan sa lupa na wala PNG ng mamay ari ..
    ngayon at sinasabi sa amin ng among kapitan na any lupa n among tinitirikan at nakasanla DW sa Bangkok at nais ibenta..alm nmn po ng among kap. na wala kaming kakayanang bumili ng lupa na 5,500/sqm. kaya nga po kami tumira sa ganitong lugar at dahil mahirap LNG kami.
    any sabi pa po, ay mag hanap hanap n DW kami malipatan sa abi tabi, young katabing lupa nmn po ay ngpapaalis din.
    ganun LNG po ba nya kami basta basta paalisin n parang mga kawawa.sinasabi p nya n malaki DW po utang na loob sa amin sa kundi sa amin ay Hindi xa imaging kapitan.pero, parang Hindi po xa nagiging makatao sa ginagawa nyang pay papaalis na walang maayos n malipatan at konting halaga sa among paglisan.ano po b any dapat nmn gawin? salamat po sa kasagutan ninyo…

  9. gud am po…may asawa po ako dati kasal po kmi pero naghwalay na po 5yrs ago..hnd po kmi annul at walang naging usap kaht sa brgy.ngaun po nagkaroon aq ng live in partner at nagkaanak kmi saka po naghahabol ung dati qng asawa nagbabanta na ipapakulong ako pg hnd ko ibngay ang walong taong gilang nmng anak. ask ko lang po panu po ba ang magiging laban ko kung sakali maghabla sya? May pwede po ba akong gwing aksyon para hnd nya ako makasuhan.slmat po

  10. Magandang gabi po. Kokunsulta po sana ako kung magkano at gaano kahaba ang proseso kung papapalitan ko po ang apelyido ng anak kong panganay. Papapalitan ko po sana ng apelyido ko. Tutal simula’t sapul naman po kase hindi naman nagbigay ng maayos na sustento ang ama nya at simula po ng nagdalawang taon po yung anak ko hanggang ngayon na mag-aanim na taon na yung bata wala po siyang ibinigay kahit singkong butas. Ano-ano po ba ang proseso at papeles na kakailanganin…

    Salamat po ng marami.

  11. Hi Atty. Medyo desperate na po kami ng family ko for help. Medyo mahaba rin po yung kwento. Is there any number than i can contact to ask for legal advice regarding land/property claims?

  12. gud eve po. maam hingi po sana aq ng advice kasal po kmi ng asawa ko involve po kc sya sa drugs. lumayo sya samin dhil dun tpos after a month nlaman ko n my babae cya. nag away kmi at nkipaghiwalay cya sakin pinili nya po ung babae. ngaun po nkakulong n cya dahil sa drugs pero cla p rn ng babae nya. cnubukan ko po cyang kausapin para po a aming 5 anak.pero ung babae p rn ang pinili nya. buntis po ung babae nya 3 months.oct po cya nkipag hiwalay sakin. pwde ko pa po ba clang sampahan ng kaso maam??

  13. Hi ask ko lang ano gagawin sa mga taong nangutang pero di sinusunod ang usapan kung magkano ang ihuhulog kada araw may kasulatan naman pero hindi tinutupad ang laki ng inutang tas pahirapan pa maningil

  14. Good day Atty Kalibre. May ihihingi po ako ng payo, may land grabber na pumasok sa lupa n bakante nmin 2yrs ago. Ayon sa knila lahat daw ng lote n wla nkatira pagmamaya ari dw ni Marcos kuno. Ung lote 350+ sqm. Naaquire ng father ko tru deed of sale
    or “rights” mga 10yrs ago. Nagfile kmi ng complain sa barangay. Madalas hnd na attend sa hearing sa brgy ung nirereklamo nmin. Hanggang halos araw araw kmi sa brgay ngffollow up ng mama ko. Then finally nagendorse ung brgy to file legal action against the grabber. Ask ko lng may laban b kmi pag nagfile kmi since wala kmi titulo n hawak pero wla nmn din legal owner na nagcclaim ng nasabing lote. What first thing to do. Baka kc gumastos kmi tpos sbihin ng atty wla pla din kmi karapatan dun although matagal din po yun sa possesion ng family. Sana mtulungan mo kmi. Slamat po.

  15. Hello po may question lang po ako regarding sa Maternity Leave refusal. So I suffered miscarriage last April 16, 2019 and I was just given medication since 6 weeks pa lang naman po ako pregnant. I was advised by my OB na mag rest lang until April 30th. I was granted the leave naman po but since I am in 100% ready to be back to work gusto ko sana i-refuse yung Maternity Leave na pinapatake sakin ng company. Is a fit-to-work clearance from my OB enough para pabalikin nila aq sa work?or mandatory talaga ang Maternity Leave regardless if the employee refused to take it?. May Law po ba na iviviolate si company if they grant my wis to return to work and refuse maternity leave ?. Thanks in advance po !

  16. Hello po, Im a solo parent with a solo parent id working for an international bank po, naconfine po kc biglaan yung 8month old ko na baby for acute gastroenteritis and dehydration, and aware po ako sa, law regarding sa mga solo parents. pero ung company po dineclined parin ung leave ko kc po wala na daw po slot at sobrang busy po at bagsak and performance level for that day. As far as i know po wala naman po provision sa sa solo parent act na dapat ok lahat ng yun. It clearly states that dapat may solo parent id , at least 1 year in the company and at least notify the company 5 days unless if its a medical emergency, wherein yung situation ko po it falls as such. Useless po makipag usap sa operations manager namin they refuse at matigas sila na declined and request. Ano pong dapat kong gawin para maapprove or marealize nila na the law of the land supercedes the policy set and impelemented by the company.
    Thank you po

  17. hi atty. good day! i need legal advice po. tenant po kami sa isang commercial bldg. ito pong bldg nabenta na po, pero dalawa po ang buyer. ang 1st buyer po ay nag deposit na ng 200k noon pa po 2013, ifufully paid po after 2 yrs mula mag bind po ang usapan…. thean bigla po may pumasok na 2nd buyer after a yr lang po, nag offer ng mas mataas na halaga and nag deposit po agad ng 50%. inaatras po ng owner ang deed of sale sa 1st buyer para ibigay nalang po kay 2nd buyer. pero hindi pumayag ang 1st buyer kaya kinasuhan niya po si owner, at pinatatakan po ng lis pendens ang titulo. natapos po ang kaso sa RTC at inaaward po sa 1st buyer ang bentahan ng lupa, pero hindi po pumayag ang owner kaya umapela po sila. ngayon po ay nasa court of appeals po ang kaso.. Ito pong 2nd buyer ay ipinagagawa na ang likod na part ng bldg., nailipat narin po sa 2nd buyer ang titulo, at kinakasuhan po kami ng ejectment, yung hawak po nila na titulo ay may lis pendens.. naka usap po namin ang 1st buyer at ang sabi po ng 1st buyer ay wag kaming aalis dahil kapag nasa kanila na ang titulo ay kami parin ang tenant niya d2….. since 2010 po ay tenant kami ng owner. ayaw narin po tanggapin ng owner ang binabayad namin na renta,ibigay nalang daw po namin ang renta sa nakabili.. umaatras narin po ngayon ang owner sa kaso, ibabalik na daw po ulit sa RTC ang dscision.
    ang tanong ko po atty. ay bilang tenant po dito sa bldg. ano po ang magiging laban namin sa ejectment case ng 2nd buyer kng nailipat na po sa kanila ang titulo pero may tatak na lis pendens, may karapatan na po ba siya para paalisin kami?

  18. Goodmorning, This is Ms. Anjeanette Gipit gusto kopo sana magpatulong kumuha ng tourist visa sa US, can u help me w/that matter and how much it will gonna cost me for ur service?

  19. Good day, ako po ay trainee cashier
    Itatanong ko lang po kung may laban ba ako sa aking co employee (head cashier) na pinag salitaan ako ng “angbobo, bobo mo! Yang itsurang yan.. Itsurang palengke!.” bakeet.. Graduate ka ba? Pulubi ka nga eh. ” dinuro duro nya ako kht nasa frontline kami at na catch ang attention ng client at ahente.. Wala daw sya pakilam kSi sinabi ko saknya,” nakakatawa ka naman mam, nawawala ang pag ka professional mo”.. Kasi sobrang foul po ung mga salita laban sakin samantalang 1 month pa lng akong nagttraining. Nilapit ko po ito sa HR dept kinausap ung head cashier na un pero wala naman changes, sa tuwing makikita nya ako lagi nagagalit. Nilapit ko ulit sa hr at nabanggit ko na ilalapit ko na ang issue na ito da DOLE, ang sabi lang ng hrd unfair daw sa company kung magpapa DOLE ako eh samantalang co employee ko nman ang nirereklamo ko. Hindi na healthy sa work place kung mag stay pa ako kya na urge ako mag resign. Ang gusto ko lng habulin ay kung meron po bang batas para dun

  20. Hello attorney. Paano po magcomputeng child support? Seaman po kasi ang tatay ng mga anak ko. Dalawa po ang anak namin pero hiwalay n po kami. Pwede po b ako magdemand? Thankyou

Leave a Reply