Free Legal Advice
Looking for free legal advice online? Look no further! Welcome to Attykalibre, your one-stop destination for hassle-free, fast, and convenient legal consultations right from the comfort of your desktop PC, mobile phone, or tablet.
Attykalibre.com brings together a team of experienced legal professionals from various fields who are dedicated to providing you with reliable advice through live one-on-one chat consultations. The best part? It’s absolutely free!
Here’s why you should choose Attykalibre for your legal inquiries:
1. Simple and User-Friendly: Navigating Attykalibre.com is a breeze. With our easy-to-use platform, you can quickly find the legal assistance you need without any complexity.
2. Speedy Responses: No more waiting in long queues or playing phone tag with lawyers. Attykalibre ensures rapid responses, saving you valuable time.
3. Free Legal Advice: We understand that seeking legal counsel can be costly. Attykalibre breaks that barrier by offering free consultations, so you can get the help you need without worrying about fees.
4. Ultimate Convenience: Busy schedules and tight commitments? No problem! Attykalibre allows you to access legal advice whenever and wherever it suits you best.
Join Attykalibre.com today and become a member for free! As a member, you can request a meeting with an attorney of your choice, be it a personal injury lawyer, family law attorney, bankruptcy attorney, or an expert in various other specialties.
Don’t hesitate! Visit our website now and click on the free legal advice widget to get started. Let Attykalibre.com empower you with the legal knowledge you seek!
Atty pano po pag, nawalan ka ng pera sa loob ng office tapos wala cctv pero sa testimony ng mga kaworkmates ko sinasabi nila na may isang tao lang na naiwan sa office that time at di siya umalis. Tatanggapin po ba yung testimony ng mga kaworkmate ko pag nagcomplain ako?
Gud am po..may apo po ako na almost 5 yrs old napo na simula ipanganak ay sakin na pina alagaan ng magulang nila..ako lahat ang umako pati ospital lahat lahat ako ang katabi s pagtulog pag may sakit pag umiiyak..ako lahat ang umako ng responsibilidad nya bilang ina kahit na halos katabi lng namin ang bahay ng magulang nya in short pinaubaya sakin ng ina lahat ng obligasyon nya para sa anak nya. 2 yrs ago naghiwalay ang nanay at asawa na anak ko financial and communication problem. Naiwan sakin ang apo ko na nasa poder ko ang ama na depress na trauma at halos wala p 1 yr nkk recover sa pag alis na ginawa ng manugang ko. Sa ngayon may trabaho na sya sa construction pero halos kailan lng. For almost 5 yrs na sakin lumaki anh bata sakin ng buong obligasyon ako ang kasama s sakit ay hirap now ay kinukuha agad sakin ng ina na basta basta na lng…alam ko po ang batas na until 7 yrs old ay karapatan ng ina ang anak nya. Pero marunong napo magsalita ang apo ko at may damdamin na alam nya kung san sya masaya at mas kumportable…ayaw nya manirahan a5 sumama sa poder ng nanay nya. Isa pa ang nanay ay di nman niya makakasama sa bahay dahil doon siya titira sa isang lola nya. Ang mama nya ay nakikitira sa kapatid dahil malapit sa work nya umuuwi lamang sya weekend para sa anak nya..tanong kopo ganun nlng po ba yun. Papanigan po ba agad ng batas na basta ganun nlng po ang apo ko. Na sya mismo kahit tanungin at kausapin ay ayaw nya tumira sa mg lola nya. Pakisagot naman po at bigyan linaw ang aking hinaing. Salamat po.
Magandang hapon po…naniniwala po ako na mabigyan niyo ako ng magagandang advice tungkol po sa bertcertificate ko…ako poy late registered..sa isang baryo sa province ng south cotabato after 11 years nakuha ko na po ang NSO Bertcertificate ko tapos nakakakuha narin po ako ng passport..any time po kasi akong mag apply as factory worker sa mga agency ng for taiwan…they ask my bertcertificate mag kaiba po kasi ang dinadala kong surname sa step dad ko kc at real dad ang niregistered sa birthcertificate ko…nahihirapan po ako..kung ano ang magagawa ko para hindi maging questionable ang naka registered sa birtcertificate ko!
Hi. Atty, ask ko lang po kung anu-ano ang rights ng isang illegitimate child. ang anak ko po ay naka sunod sa akin ang apelyido. puede ba ako mag file ng case laban sa tatay ng anak ko for child support?
Hi atty question lang po ako po ay isang private driver or family driver.Pinapapasok po ako kahit holidays hindi daw po un double pay dahil hindi pa daw po ako regular tama po ba yun?almost 2 months na ko tinatanong ko po kung kelan ako mareregular depende pa daw po.Tapos halos 12 hrs a day po ako nagtatrabaho pero wla po ako ot kasi nga daw po hindi pa din ako regular.At ano ano pa po ba ung mga benefits na pwede ko makuha or kelangan po ba regular tlga bago makasama sa ot pay at sa holidays with pay?or no work no pay po ba tlga pg driver at hindi tlga kasama sa mga ganun?at kung may 13th month pay pa din po ba ako makukuha?kasi po baka lagi na lang sinasabi ng amo ko na hindi pako regular para makaiwas sa bayad sa mga ot or holidays sana po pakisagot thankyou po
Hi! This happened to my brother-in-law. May bungguan syang motor and nakamotor din sya. Aminado syang kasalanan nya dahil hindi nya nakitang nag-signal light yung other rider. Nabalian sya ng buto sa braso. And yung nabangga nya galos lang inabot. On the medico legal nung naaksidente nya, need to rest for 5days. Since nagpasya silang magsettle, gumawa sila ng kasulatan sa police station na babayaran ng Kuya ko yung damages ng motor at yung 5days na nakalagay sa medico legal. Since buntis ang asawa nya at pilay sya at hindi makakapagtrabaho, nasa usapan nila na pag nakapagtrabaho na ulit si Kuya at nakaluwag-luwag tsaka magbibigay. Ngayon, ginigipit nya sila Kuya. Sinisingil nya si Kuya ng 15days plus Overtime. Tapos kung ano-ano pang pinagoorder nya para dun sa motor nya. Tapos sinisingil nya kay Kuya. But since hindi pa makatrabaho si Kuya, hindi sya makapagbigay ng buo. Ngayon, nakapagbigay na si Kuya ng 10k sa kanya para sa motor nya pero nanghihingi pa sya ng 6k para sa iba pang pyesa bukod pa dun sa 15days na hindi sya nakapasok. Pwede ba namin syang ireklamo? Binibigyan nya ng palugit si Kuya na dapat makapagbigay sya ng ganitong araw. Salamat po!
Good day po! Tanong ko lang po sana kasi nakatira kami sa bahay/lupa ng lola ko pero wala pa po kaming hawak na titulo. 1,200sqm po ang kabuuang sukat ng lupa base po sa Certificate of occupancy pero according po sa NHA hati daw po sa tatlo yung lupa tig-300sqm which is dapat 400sqm po. Ano po bang dapat gawin at balak din po naming bayaran/ mahulugan ang nga taong hindi nabayaran? At may umaangkin sa lupa na sa kanila na daw yun. Sana po ay makapagbigay kayo ng hakbangin sa dapat na gawin. Salamat
Gud day po klangan ko po ng kasagutan kc po andto po ako sa jezan Saudi Arabia,ang anak ko Papa Canada sa kadahilan na my taning npo buhay ng pinsan nya at un ang hiling na magkita Kita cla
Ang hinihinge po sakin spa at ASC wala po kming embassy dto or consulate general NASA Jeddah pa.patay npo Papa ng anak ko at ang second husband ko na ngaun ang guardian nya Anu po kya gagawin ko.my kasama nman po mgtravel ang anak ko ang bilas ko at dalawang anak nya.
Hi atty, tanong ko lang po kung ano ang paglabag sa paninira puri sa facebook? Pinopost niya ang screen shot conversation ko (wala naman kwenta) makikita nila kung sino ang nasa picture at ang pangalan ko. At ano ang paglabag sa paninira sa iba?
Please help me with my case. Eto po yung kwento:
1. ako po ay isang guro sa isang private school. nagkaroon kami ng fieldtrip subalit yung nacollect ko na pera worth 329,000 ay hindi ko napabigay sapagkat tinulungan ko ang aking hipag na nakulong.
2. nangako ang hipag ko na ibabalik ang perang hiniram sa akin noong april3 pero hindi nya napasoli. ang fieldtrip ay gaganapin nang april8, 2019 april 5 po sana ang huling remit ng pera na hindi ko pa rin napabigay dulot ng hindi pagbbyad sa akin ng hipag ko.
3. april 6, nagissue ng blank check ang hipag ko na may kondisyon na yun lamang buong halaga ng pera na nhiram ang ilalagay ko sa blank check na ibinigay niya.
4. ang perang oblisgasyon na dapat ko ibigay ay 329,000 pero ang ipinalagay sa akin sa cheke ay 379,000 para sigurado daw at nangako nmn ako gamit ang promissory note na magbbyad ng ganoong halaga.
5. hindi namin napondohan ng hipag ko ang cheke nya kaya tumalbog ito.
6. nag una ako ng 11,000 mula sa sweldo kaya ang kabuuang obligasyon na lamang ay 328,000 subalit kakasuhan daw po kami kasi estafa yung skin at bp 22 ang sa hipag ko. nakiusap ako na may usapan nmn na dapat yung buong halaga lamang ng aking obligasyon at hnd ganoon kalaki na379000. ayaw po ibigay yung cheke sa akin. at kakasuhan na daw po kami habng hnd kopa nakokompleto ang kabuuang 328000. humihingi naman po ako palugit na 2 weeks na ayaw na nila pagbigyan.
7. may remedy pa po ba kami/ kasi po hindi nmn po intensyon ng hipag ko na ilagay ko ang halagang 379000 dahil hindi po iyun ang halaga ng obligasyon. ano po pwede nmin gawin. at ano po pwede ko gawin.?
sana po ay matulungan nyu po kami.
salamat po
Gud am po atty.my kaibigan po ako ung dati po nyang gf ay nbuntis nya 8yrs old n po ang bata ngayon mu my asawa na po ang kaibgan q at my 3 anak.ang kaso po ung asawa po ng kaibigan ko sinasabhan ng ex gf ng kaibgan ko n hnd n mgndang salita at tinatako pa po ang asawa ng kaibgan ko na ippkulong nya rin daw po eto .anu po pwding case sa ex gf ng kaibigan ko atty.ang sabi pa po ng ex gf inabandona ng kaibgan ko ang anak ng ex nya.ang totoo po ay itinago at inilayo ng x nya po ang ank sa tatay pnu po mhhnap ng tatay ang ank nya…abanduna po b tawag dun atty.? Ang nanakot dn po ang ex gf ng kaibigan ko.
Hi atty!
Mero po ako friend sa ibang bansa tapos nag chat siya sa akin through messenger at nag offer na gagawa kami ng aming business. Sabi nya sa chat na siya na raw bahala sa finance at ako na po bahala sa deskarte sa business. Pinagawa niya ako na business bank account under po sa pangalan ko at doon niya i-deposit yung capital. Nagawa po namn ang pag construct ng tindahan at lahat ng ititinda tulad ng bigas, softdrinks at iba pa. Lahat nang transactions pinapaalam ko sa kanya. Pero lumipas ang ilang buwan at hindi lumago ang negosyo. Ngayon, pinapabayad po ako ng kaibigan ko sa capital. Ano po gagawin ko?
Hi Atty, with all due respect po ang aking katanungan ay nag papatungkol sa isang abogado. Sana po ay inyong mapag tiyagaang basahin ang aking dinudulog.
Kami po ay kumuha ng private atty para po sa kaso na ibinintang sa aking kapatid. ang sinampang kaso ay rape case of a minor. ang abogado pong ito ay humingi sa amin ng acceptance fee na 50K at 2K para sa pag gawa ng affidavit minamadali nya po kmi na mabayaran ng buo ang 50k para daw po nya maasikaso agad ang kaso. matapos naming mabayaran ang kabuuan na 50K sa mahigit na isang linggo ay wala na kaming narinig sa aming abogado kung anu na ang kanyang ginagawa. nung malapit na po ang prelimary ay kmi pa po ang tumawag upang ipaalala sa kanya ung tungkol sa affidavit na dapat nmin gawin. dumating ang unang prelimanary, hindi po dumating ang nag aakusa, nagbayad po kmi ng appearance nya na 3,500. Sinasabi nya po sa amin kailangan daw po naming humanap ng witness na nag papatunay na hindi totoo ang pinaparatang sa aking kapatid. a day bago po ang preliminary hapon po ay saka lamang gumawa ng affidavit ang abogado para ma i present kinabukasan para sa prelimanary. ito po ang maikling summary ng kaso. ang minor po ung ay kasambahay ng aking kapatid, pinag bintangan nya ang aking kapatid na cya ay ginahasa.. pero sa araw na cya ay ginahasa ay di cya umalis sa bahay ng aking kapatid at di man cya kinakikitaan ng takot o pangamba.. pinalipas pa nya ang isang linggo bago umalis sa tahanan ng aking kapatid. aun din sa medico legal ay ang bata ay di na virgin pero walang nay laceration o mga pasa na cya ay ginahasa at naglaban na sinabi nya sa kanya affidavit. Ni wala sa affidavit nya na sinabing tinutukan cya ng kahit anung klaseng patalim..pangalawang date ng preliminary dumating po ang nag aakusa.. kinausap ng prosecutor. mtapos ang preliminary ay kinausap ang pamilya ng nag aakusa tungkol sa settlement ng aming abogado hindi pa madesisyonan ng pamilya kung magkanong halaga ang gusto nilang i settle sa aming side hindi sa inaamin ng aking kapatid ang ginawa nya.. dahil sa totoo lamang po ay di totoo.. lagi kong nakikita ang minor na ito kahit kailang ay di ko cya nakikitaan ng kahit anung reaction ng isang ginahasa. at marami akong nalaman tungkol sa batang ito na sa murang edad talaga ay nakikipag relasyon na. gusto lamang ng kapatid ko na maaus na at matapos na dahil nagugulo na ang kanyang pamilya. ang payo ng abogado ay wag kami makipag usap sa pamilya na cya na ang mkikipag usap. hiningi nya ang numero ng pamilya ng akusado.. kami ay tiwala na aasikasuhin ni atty ang kaso ng aking kapatid. ngunit lumipas ang 2 and half months ay wala kaming naririnig sa aming abogado. tumatawag kmi pero patay ang kanyang telephone.. nag message na lamang kami sa kanyang secretary at sinabi ng secretary na nwawala daw ang cellphone ni atty at pati ang cellphone ng pamilya ng akusado. sa madaling salita ay di cya nakipag usap sa pamilya ng akusado. hanggang sa dumating ang sulat mula DOJ, ang kasong rape ay hindi nag manifest sa kakulangan ng ebidensya ng akusado. pero meron pa ring child abuse na kaso dahil sa nabanggit ng petsa at oras ng minor. nagmamadali kming kumontak sa atty, email, text sa bagong number na binigay ng secretary, pati po sa messenger nagbaka sakali kmi.. walang reply kmin natanggap. hanggang sa makontak namin cya. at sinabi ang tungkol sa DOJ letter, sa pag uusap sinasabi nya na non bailable daw ang kaso. na kailangan mag settle. na ang kailangan ay revocation na ang gagawing settlement. maliit daw po ung kayang naming isettle na 50K, tinanong po namin cya kung magkanu ung fair ang sabi nya 500k-1M daw po.. sa madaling salita po ay kmi ang kumontak sa pamilya ng akusado kami ang nag ask sa pamilya ng akusado kung magkanu ang nais nilang settlement. ang settlement po ay mas mababa sa sinasabi ng aming abogado. nag usap ng oras at araw kung kailang mag sesettle, cyempre po kasama si aming abogado, nag pirmahan ng revocation at nagbayad. humingi ang aming abogado ng 10K para sa notaryo daw. pero nung ninonotaryo ay di man lang nagbayad si atty, ang nagbayad pa ay ang aming middle man. sabi ni atty bibigyan kmi ng kopya ng revocation. isang linggo wala na naman kming naririnig sa aming abogado hanggang sa kmi ay nakarinig na may warrant na daw ang aking kapatid. muli ay nag follow up kmi sa aming abogado.. di po namin cya macontact.. patay ang phone or di nya sinasagot. sa secretary kmi nakikipag usap. hanggang sa sinabi ng secretary na pupunta si atty sa court para i file ang revocation, kailangan daw ng 5,500 para sa appearance at 1K para sa gasolina, pumunta po cya ng thursday, monday ng hapon binalitaan nya po ang aking kapatid na nasa bakasyon daw ang judge na pipirma at bailable po pala ung kaso, 400K daw po. tapos humihingi na naman cya nag acceptance fee na 50K dahil iba daw po nang kaso.. ni hindi nya po kmi binibigyan ng kopya ng mga documents, mula dun sa affidavit sa prelimary palang, humihingi po ako ng kopya, ang sabi ng secretary ay dala daw ni atty sa kotse nakalagay, pati po ung pinirmahan kahit wala pang sign ng judge di kmi nabibigyan. kahit nga po ung acceptance fee na 50K na binigay namin una di po kmi binigyan ng resibo.. sa index card lang po na hindi pa nakalgay ung huling bayad dun sa 50K dahil hindi namin dala index card. di ko po maintindihan bakit parang ayaw nya kmi bigyan ng copy ng mga documents.. saka tama po ba na humingi pa po cya ulit ng acceptance fee? tulungan nyo po ako.. nag dududa na po kmi na nag dedelay tactic si atty para mas marami po cya mahingi sa amin.. naibenta na po ng kapatid ko ung ibang ari arian nya para sa kasong ito na wala naman katutuhanan ang binibintang.. maraming salamat po sa inyong tulong..
Tanong ko lang po ano pong dapat kong gawin sa asawa ko pong ofw taz nalaman ko po na umuwi na sa kanila kasal po kami, Nakipag hiwalay po sya sakin through chat lang po noong , after po non nagulat na lang po ako na ni block ako ng buong family nya at masakit pa po umuwi na po sya noong March sa kanila at sabi nya po saki. Tama na at hiwalay na po kami ang Maskit lang po sinisisi nila ako kung bakit nasa icu ang mama nila eeh ang sakit nmn po ay sa buto, taz ang dami po nila message na masazakit at hindi po totoo ,,kaya hindi na po ako makatulog masyado dahil sa panglolkko ng asawa ko ,wala din po ako trabaho ayaw nya pi kasi gusto ko lang po sana ,,makapg usap kami at maghiwalay ng maayos salamat po
Good evening Attorney, gusto ko po sana malaman kung sino ang dapat magbayad ng Deed of Sale sa bentahan ng lupa, ang buyer po ba o ang seller. Sana po mabigyan nyo ng linaw ang katanungan ko na ito, kasi madaming website na akog napuntahan pero di naka indicate kung sino ang magshoulder ng payment sa Deed of Sale. Maraming salamat po.
hi po part time real estate agent po ako under a broker. nakapagdala po ako ng buyer sa developer na accredited ang broker namin. ang buyer nakabayad na ng 2 yrs equity kaso di sila makapagbank loan sa bank dahil sa di nila ma meet requirements. ung pong broker namin di kami na inform na need pala magregister sa hlurb. ngaun ako ang sinisisi ng buyer ano po kaso pede nila ifile makukulong po ba ako
Hi, atty ask ko lang po kung pano po namin mababago ang surname ng 3yrs old namin na daughter kung ang father details sa live birth nya ay not applicable? hndi po kasi kami present nung time na inaccomplish ang form. paano po kaya namin mailalagay ang details ng tatay nya at paano din po namin mapapaltan ang surname nya ng surname ng tatay nya? salamat po.
Good evening!.Yung kapit bahay po namin ay nagtayo ng bahay sa harapan po namin which is government property na po ung lupa. Pwede po ba yun eh nakakaharang po sila sa harapan nmin.. tnx
Atty ask ko lng puede pa po ba ipalate register ang marriage certificate kgit patay na ang asawa kc kailangan sa mga recquirement patay na po kc ngvmlaman ko wala kmi kopya ea nso
Pero may hawak po ako kopya ng mariage contract po nmin kya umaasa akong may copy sa nso un pala wala kya blak ko ipalate register….
Good afternoon po Ma’am,
Ask ko lang po if pasok kami or nasasakop ng P.D 957 Section 23 yung case namin na magfile ng full refund againts sa Bria Homes Inc. dahil hanggang ngayon wala pa din po ang bahay na dapat ay naiturn over na samin last year pa. Ayon po sa napagkasunduan, after 10% ay mag sstart na po ang construction and after equity ay matuturn over na po or iaapply na po sa pag-ibig ng housing loan pero hanggang ngayon wala pa din po na dapat last year pa po nakapag hulog na po kami ng mahigit 160k kasama din po yung pag process ng paglipat n pangalan sakin. At itatanong ko din po kung may mga exemptions po ba dito at may karapatan silang mag deduct sa marerefund namin ng mga administrative fees, etc. Maraming salamat po.