Free Legal Advice
Looking for free legal advice online? Look no further! Welcome to Attykalibre, your one-stop destination for hassle-free, fast, and convenient legal consultations right from the comfort of your desktop PC, mobile phone, or tablet.
Attykalibre.com brings together a team of experienced legal professionals from various fields who are dedicated to providing you with reliable advice through live one-on-one chat consultations. The best part? It’s absolutely free!
Here’s why you should choose Attykalibre for your legal inquiries:
1. Simple and User-Friendly: Navigating Attykalibre.com is a breeze. With our easy-to-use platform, you can quickly find the legal assistance you need without any complexity.
2. Speedy Responses: No more waiting in long queues or playing phone tag with lawyers. Attykalibre ensures rapid responses, saving you valuable time.
3. Free Legal Advice: We understand that seeking legal counsel can be costly. Attykalibre breaks that barrier by offering free consultations, so you can get the help you need without worrying about fees.
4. Ultimate Convenience: Busy schedules and tight commitments? No problem! Attykalibre allows you to access legal advice whenever and wherever it suits you best.
Join Attykalibre.com today and become a member for free! As a member, you can request a meeting with an attorney of your choice, be it a personal injury lawyer, family law attorney, bankruptcy attorney, or an expert in various other specialties.
Don’t hesitate! Visit our website now and click on the free legal advice widget to get started. Let Attykalibre.com empower you with the legal knowledge you seek!
Hi po atty. Gusto ko lang po sanang malaman kung paano po mabababaan ang pyansa 200k po kc ang pyansa sa isang kaso tapos may 12k pa pong pyansa? Magkano po kaya ang magagastos sa dalawang kaso?
Hi. I need help with legalities. Our group signed out contracts with our company 10years ago, 16 VL credits, 10 SL credits and 5 EL credit yearly. Recently we were informed that they were going to have us sign a new contract changing this to 20 credits all in. Is this legal? New
Contract to change our existing one. Need an answer or advise ASAP as they want this effective April 15. I would appreciate any advise. Thanks.
Question regarding school and teachers sa private school po ito. Is it possible to file a complaint sa school regarding my issue, yung pamangkin ko simula july palang hindi na pala siya pumapasok sa school ng di namin alam, ang akala namin is pumapasok siya, nagbabayad kami sa school pero di namin alam na di na pala pumapasok ang pamangkin ko hanggang sa malapit na matapos ang school yr saka lang sila pumuntas sa bahay to inform us na hindi pala pumapasok ang bata, sa part namin bilang magulang bakit sobrang late na ng notification ng school at yung action nila is sobrang late na graduating pa yung bata. Ang nangyayari nagbabayad kami sa school ng di pala natuturuan yung bata sa una palang dapat 1st grading palang na di na pumapasok ang bata ininform na kami na dapat dropout na ang bata pero umabot pa ng third grading na di pumapasok saka lang nila iinform yung magulang. Sobrang irresponsible sa part nila. May legal actions ba tayo sa mga ganitong case?
Kasal po ako Registered din po but Null and Void kase di po ako makakuha ngayon ng marriage contract.tapos pag nakuha ako sa first wife ang lumalabas hindi yung amin.
Then kumuha ako ng Cenomar nakalagay married ako sa kanya,13 yrs na rin po kami hiwalay gusto ko po sana ma annul ang kasal ko sa kanya.
Yong anak ko po (lalaki)eh may ka live in 13years sila tas nahirapan po sila sa buhay and iniwan siya at may ka relasyon ngayong dating nobyo niya nung high school sumama. Humihingi ho ng sustento sa anak ko para sa 4 nila na dinala niya nung umalis ng apartment na tinitirhan nila..eh di po kakayanin pa ng anak ko mag supporta sa 4na bata sa sinusweldo niya. Paano po ba ang nangyayare pag ganito ang kaso?
hi atty. question lang po. illegitimate po ang anak ko. may karapatan po ba sya sa ari arian ng ama nia? wala po legitimate child ang ama nia. salamat po
Attorney/s. Magandang gabi. May tanong po ako, more of an educational question. I previously read an article (that I lost) kung saan ni-explain that an action (2) based on an action (1) comitted against the person can still be justified or considered or not taken against the person since that person would have not comitted the action (2) if it was not because of the prior or action (1) comitted against him/her. What is the legal term po and what is the basis of the argument. Please share if you have a prior published case.
Madaming salamat po.
Goodeve po attorney, ask ko lang po kung ano pong legal action ang pwede ko isampa sa kapitbahay ko. last oct 2018 nagloan po ako sakanila ng friend nya ng 30k sabi po nila sa credit card po nila kinuha ang pera at di na sila tumubo. 10890 po ang pinababayaran nila sa akin per month pero nagkasundo po kami na 10800 nalang for 6 months. Tuloy tuloy po ang bayad ko hanggang last Feb 2019 na.late po ako ng bayad pinagpenalty po nila ako at binayaran ko po then mar nagbayad po ako ng 7k para daw irenew ko nalang then ikakaltas nalang nila ang last hulog and yung kulang sa payment ng mar. sa madaling salita hindi po nila ako pinarenew, sinasabi po nila na nagbank transfer daw po yung kaibigan nya sa account ko ng 35k pero wala pong pumasok sa account ko. ngayon po ay pinipilit nila ako magbayad ng 14600 as balance ko daw, nagrequest po ako ng card statement as proof po ng loan term ko since sinabi nila sa akin na sa credit card nila kinuha ang pera and ang bank ang nagsabi na 10890 ang monthly amortization ko. wala po sila maipakita na card statement at marami po silang sinasabi sa akin na pakiramdam ko ay nahaharass po ako. Meron po ba akong pwedeng maging legal action sakanila? willing po ako magbayad as long as mapakita po nila ang card statement pero wala po sila pinapakita at pinagbibintangan pa po ako sa 35k na wala naman po. Please help.
just to add lang po 51600 na po total payment ko sakanila.kaya medyo nagdududa na po ako kasi nagcheck po ako sa bank dapat po 1.5℅ per month lang po if sa credit card kinuha. BPI daw po bank nila. Thanks po.
hi good evening po, kung maari po sanang makahingi ng legal advise sa problema namin ngayon sa car loan ng anak ko. eto po ang situation. Delayed po kami ng 5months sa aming car loan and turning 6 months delay this april 21, base po sa unpaid mortgage, ito po ay nagkakahalaga ng kulang 74,000 pero may another charges na amounting to 87,400 according sa binigay na copy ng collecting officers from legal law. nagpunta po sila kahapon para kuhanin ang sasakyan but we resist na kuhanin nila since its a non working holiday kaya bawal sila gumawa ng anumang hakbang. Ngayon po ay nagbayad kami ng 75,000 para sa unpaid mortgage issued by the bank, is it possible pwede nila i pull out ang kotse dahil d kami nagbayad ng non accrual basis na idinagdag na nagkakahalaga ng less 15k? maari po bang makahingi ng tulong s inyo na kung.bumalik ang mga makukulit na legal collecting officer ano po ang pwede namin ikatwiran o sabhin s kanila para d makuha ang sasakyan. maraming salamat po
Good day po.ask ko lng po kung ang isang loan ay di pa naglalapse sa due niya at kami po ay di nakabayad in ilang months pwede po ba na maforeclose ung property nmin at ako po ay nagrerequest ng restructuring para mabyaran monthly po…kaso gusto po nila na papirmahin kmi ng dacion en pago…ang nakalagay dun e sila na ang may ari ng property kaya po di nmin pinipirmahan.salamat po.
Hi po. May natanggap ang tatay ko mula sa mga bagong mayari ng lupang sinasaka nya na final demand upang bayaran ang “upa” sa lupang sinasaka nya. Binigyan lamang cia mg 5 days to settle natanggap ito nung lunes at ngyong byernes pag hindi nabayran ang kulang 30 k daw ay babawiin ito. Maari po ba itong icounter o iapela o kaya ay hilingin sa kanila n gawing installment na lamang. Ipinasok kc ng mga magsasaka sa proyekto ng DAR ang mga lupang sinasaka nila pero hindi ito naaprubahan sa d nila alam n kadahilanan kaya di na nila nabayaran ang upa sa pagaakalang mapupunta na sa pagaari nila ang lupan. isa pa ang pangalan na nasa sulat ay ung nickname lamang at hindi nya full name. Valid po ba yon?
hello po atty. ask ko lang po kung pareho kami ng ex ko nandito sa abroad at di siya nagbibigay ng sustento paanu ko po siya mareklamo? pwede ba akong humingi ng tulong dun sa agency niya sa pinas ? salamat po
Atty.. hingi lang po sana ako ng advice..kasal po akong tao 5yrs po pero hiwalay n po kami almost 5 yrs n rin po.. s ngaun may bagong kasama n po siya at may isang anak.. meron po akong bf ngaun gusto po ng bf ko n magpakasal kami pero hndi q alam kung ano mga dpat kung gawin para mapawalang bisa yung kasal namin ng datin kung asawa.. kung halimbawa po ba n ako mag file ng annulment.. sagot ko po ba lahat ng gagastusin don???
Thank u in advance atty.. sana po mareplyan nyo po ako..
Magandang araw po ,ako po ay isang ordinaryong tao lamang..ihihinge ko po sana ng advise kong ano po ang maari kong gawin alam ko po na wala naman akong karapatan sa kinakasama ko kasi hindi naman po kami kasal pero may 3 na po kaming anak,Ang problema ko po nagkaroon po sya ng babae kapitbahay pa namen dati dito sa lugar po namen matagal na po nangyari hanggang sa nagkagulo na po mangyari po yung babae may asawa at anak din po sila ay kasal po,year 2015 po yun tapos lumipat po ng bahay yung babae so natahimk po kaming magiina..Ngayon po may kumare ako tagadito lang po sa amin dati kapag may hinanakit ako sa kinakasama ko tungkol sa babaeng yun sa kanya ako nagsasabi hanggang lahat ng yun nakakarating sa babae malamn laman ko kaibigan nya pala yun.Kaya po ang ginawa ko para makaiwas sa gulo nanaman blinock ko yung babae at kumare ko walang kontak mas ntahimik mas iwas sa gulo..Nung Mar 6,2019 dumaan yung babae sa lugar ng pamilya ng kinakasama ko eh palage po dun naiinom gabi2 yung kinakasama ko sakto naman nasa labas din kame sa mismong street ng pamilya ng asawa ko nakita nanaman sya ng anak kong babae sabi po ng bata ” mommy ano nanaman ginagawa ng babaeng yun guguluhin nanaman nya pamilya naten? akala ko di na po mauulit…April 6,2019 kasama ko po mga anak ko company outing po namen sa office..ngtxt kapatid ko nakatambay sa tapat ng bahay ng kumare ko malapit lang din po sa bahay namen at sa street ng kamaganak ng asawa ko.Mahirap magbintang na magkasama sila pero nagkita sila pagdaan ng asawa ko hindi na po yan ang concern ko eh parang ang sa akin po hindi na nila ako masasaktan kahit magbalikan pa sila o ano pa man po gawin nila sa sarili nila wala na po akong pakialam nanahimik kame ng anak ko sa bahay..Pero gabi2 andun yung babae sa kumare ko kagabi April 9,2019 around 10pm nakita nanaman sya ng anak ko,alam ko wala akong karapatan na pagbawalan syan pumunta pero delicadeza nalang sa kanya alam ng lahat ng tao dun na naging babae sya ng kinakasama ko eh mukhang naghahanap sila ng gulo..kasi ang sabi ng kumare ko nun ” if dadalhin ko dito yung naging babae ng asawa mo naghahanap ako ng gulo’ Ayoko na sana pansinin kasi hindi naman ako ang nakakahiya sa pgpunta nya.Pero bilang isang ina na makikita ko ang anak ko na uuwe ng bahay na umiiyak dahil nakikita nya palage yung naging babae ng ama nya bilang isang ina nadudurog po ang puso ko.Tulungan nyo po ako nakikita nila wala akong kamagnak kaya ang lakas ng loob nila hindi po ako ngsusumamo para sa sarili ko iniisip ko lang po bawat nakikita ng anak ko yung babaeng yun nasasaktan po ang damdamin ng anak ko..bilang ina hindi po ako papayag na maramdaman ng anak ko yun alam po kasi ng anak ko na naging babae yun ng aman nila dahil kapitbahay lang namen dati at naging kalaro pa nila yung anak.Maraming salamat po dumulog po ako hindi para manggulo naghhnap lang po ako ng solusyon sa mga ganyang klase ng tao.Maraming salamat po.
Ask ko lang po if ano dapat gawin may kapitbahay po kame dating naging babae ng kinakasama ko year 2015,tapos lumipat ng bahay tapos po Mar 6,2019 nagpakita nanaman dumaan sa street mismo ng kinakasama ko kasi alam na ngiinom dun gabi2,kasama nya yung kumare ko na blinock ko sa fb simula nalaman ko na kaibigan nya pala yung naging babae ng asawa ko,Kung sa akin lang po wala na akong pakialam kahit magkita o magbalikan pa sila kasi yung babae may asawa at anak naman kaya lang ang di ko matanggap sa pagpunta nya dyan sa bahay ng kumare ko nakikita sya ng anak ko at bumabalik lahat ng sakit nung nagkarelasyon sila ng kinakasama ko ang bata ang nasasaktan at bilang ina alam naman naten na gagawin naten lahat para sa mga anak naten ano po ba ang pwedeng gawin ko?
Tanong ko lang po about sa lupang tinitirhan at sinasaka sa bicol ng lolo at lola ko ng mga 50 years na kasi mayroon pong nagaankin na sakanila daw po ang lupang iyon. Aminado po kami na hindi po saamin ang lupa pero sa pagkakaalam po namin ay yung kakilala po ng lolo at lola ko ang nagmamayari ng lupa at okay naman po ang pamumuhay nila doon. Maliban nalang ng dumating ang nagaangkin nito. Nagpatayo na sila ng babuyan binakuran pati ang daanan ng mga tao. Nagkaroon na din ponng hearing tungkol doon at nanalo ang lolo at lola ko pero hanggang ngayon ay namimerwisyo parin sila doon namatay na ang lola ko 2 years ago at mahina na din ang lolo ko pero patuloy padin sila sa pangugulo. Magasawa sila na nagaankin ng lupa sana po may maadvice kayo maraming salamat po.
Good am po,
Tanong ko lang po ung nanay ko po kasi nangutang sa lending tapos sumama sa ibang lalaki dala ung perang inutang ngayon po ako ang hinahanap at pinagbabayad ng inutangan nya.wala naman po ako alam dun at wala din po ako pinirmahan na kht ano tungkol sa utang ngaun po gusto nila ko puntahan sa trabaho ko para ako po ang singil.ano po kayang pwd ko gawin about doon salamat po
Hi po Atty. Tanong ko lang po. Yung asawa ko my kabit. Ngayon po gusto ko sana sila makasuhan. Kaso wala po akong evidences sakanila. Ok na po ba na maging witness ko yung kapit bahay namin? Kasi sila po yung nakakita na pinapapunta ng asawa ko yung kapit niya sa bahay pag wala ako.
Salamat po
hello po. Gusto ko lang po mgtnung kng ano po ba ang dapat kung gawin pra mkhingi po ng support ang mga anak ko sa asawa ko. Kasal po kmi at nagkaron po sya ng unang kabet at ngkaanak po cla ng dlawa tnggap q po un kc akala q mgbbgo na pero hnd din po pla patuloy padin po cla my relasyon ng babae. Wla po permanente trabho ung asawa my business lng ung mgulang nya at nkikiporsyento lng po sya. Sna po matulungan nyo aq.slamat po
Nag acquire po kami ng motor nakapangalan sa aming dalawa ng kinakasama ko eh naghiwalay na po kami pde ko po ba bawiin ang motor sa kaniya?