Free Legal Advice
Looking for free legal advice online? Look no further! Welcome to Attykalibre, your one-stop destination for hassle-free, fast, and convenient legal consultations right from the comfort of your desktop PC, mobile phone, or tablet.
Attykalibre.com brings together a team of experienced legal professionals from various fields who are dedicated to providing you with reliable advice through live one-on-one chat consultations. The best part? It’s absolutely free!
Here’s why you should choose Attykalibre for your legal inquiries:
1. Simple and User-Friendly: Navigating Attykalibre.com is a breeze. With our easy-to-use platform, you can quickly find the legal assistance you need without any complexity.
2. Speedy Responses: No more waiting in long queues or playing phone tag with lawyers. Attykalibre ensures rapid responses, saving you valuable time.
3. Free Legal Advice: We understand that seeking legal counsel can be costly. Attykalibre breaks that barrier by offering free consultations, so you can get the help you need without worrying about fees.
4. Ultimate Convenience: Busy schedules and tight commitments? No problem! Attykalibre allows you to access legal advice whenever and wherever it suits you best.
Join Attykalibre.com today and become a member for free! As a member, you can request a meeting with an attorney of your choice, be it a personal injury lawyer, family law attorney, bankruptcy attorney, or an expert in various other specialties.
Don’t hesitate! Visit our website now and click on the free legal advice widget to get started. Let Attykalibre.com empower you with the legal knowledge you seek!
Good evening po. Sorry po sa late txt ko, ask ko po sana kung anu maadvise nyo samin. May 2 pamangkin po kasi ako na Inabandon ng nanay sa Greece, Lalaki po ang kapatid ko. From Greece po iniuwi cla ng nanay ko Dto sa pinas, almost 5 yrs na po. Ngayon ko umuwi ung nanay at kinukuha po mga bata age 51/2 and 8. D po sya kasal ng kapatid ko Pano po kaya pwede namin gawin? Salamat po
Tanong ko lang po kung walang anak ang magasawa pwede po bang manghingi ng financial support kahit may kakayahan itong magtrabaho.
Itatanong ko lang po kung makakakuha po ang anak ko ng sustento sa tatay nya jan. 13 2016 po ng iniwan po kami ng anak ko ng kinakasama ko sa inuupahan po nming bahay simula po non ee d po nag bibigay ng sustento ang tatay ng anak ko kahit kapag nagkakasakit po ang anak ko parehas n po kaming may kinakasama makakakuha parin po ba ang anak ko ng sustento sa tatay nya lalot nag aaral n po ito
Atty hingi lang po ako ng advice.halos 20 yrs na po kami na nangungupahan ng pwesto na nasa ilalim ng power line ng napocor.ngayon po gusto na kami paalisin ng may-ari ng pwesto.tanong ko lang po Kung ano ang karapatan namin Kasi sa tagal na namin na nangungupahan dito at mula noong inupahan namin itong pwesto wala namang ginastos sa pagpapaayos ng pwesto ang may-ari at kami lahat ang gumagastos.pati ang pagpakabit ng kuryente at tubig ay kami ang gumastos at sa amin rin nakapangalan.at mula noong nangupahan kami hindi rin po kami nagpalya ng pagbayad sa upa. at ang pagkakaalam po namin dito ay rights lang naman ang hawak nila na kasulatan kasi ilalim nga po ito ng power line. Tanong ko lang po kung ano po ang karapatan namin dito at pwede ba kami paalisin ng ganon ganon nlang ng may-ari pwesto?
Atty ask ko lang po kung pwede ko po makuha ang full custody ng anak ko. 3yrs old napo sya at di kami kasal ng daddy nya. Nagloko po sya habang magkalive in kami at may nangyayari sakanila nung babae. May 2018 umamin ung babae nya, and then sinisiraan po ako nung ex ko sa mga kawork nya na nanlalalaki ako pero thru texts lang unlike sknya na may ngyayari sknila and it was 2016 when I texted a guy but not too intimate. Patulong po akong makuha ang full custody ng anak ko, dipo nila sinusunod ung araw na dpat sinasauli na nila ang anak ko. at Sinisigawan pa ho ako ng nanay ng ex ko. pwede kopo ba sila kasuhan at makuha ang full custody ng anak ko? please po.
Good afternoon po! Pumapasok po ako sa isang clinic tuwing MWF for 5 years na po. Considered na po ba akong regular employee or part time pa din po. Salamat po
Kailangan ko Ng legal custody papers na nag papatunay na ako Ang Ina Ng mga anak ko. This papers is a requirement for getting residence Visa for them. I don’t know where to go to get this paper. Please help me.
Ask ko lang po kung sapat po bang dahilan n na iniwan aq ng asawa dahil sa pinag bawalan ko lang syang mag laro ng mobilelegend. Bigla nlng po kming iniwan tapos ng bibiga sya kada kensenas ng 3500 dalawa po ang anak nmen n nag aaral sana mabigyan nyo po aq ng advice…..
good day. atty tanong ko lang po. nagbaba po ng memo ang company namin na lahat ng may motor ay wala ng magiging service pagpunta sa site. motor na daw po namin ang gagamitin. ano anu po bang pwede naming idemand sa binaba nilang memo? pwede ba kaming magdemand ng maintenance ng motor namin, gasoline and insurance at medical assistance kung sakaling maaksidente kami habang papsok at pauwi?
Good morning po. Ask ko lang po kung may pwede ako icounter sa previous employer ko na naginitiate gumawa ng demand letter para sa mga previous offiemate ko na pinagkautangan ko. para po kasi sa akin, its their way of panggigipit sakin since itinaas ko sa nlrc yung case ko against them kasi hindi naman po pera ng kumpanya yung hiniram ko. they send me demand letter na nakapirma mga ex officemate ko. as in nageffort sila to get the days of lapses, sila nagpadala sakin and they demand me na jan. 14, 2019 ko daw dapat bayaran and kung wala, they will pursue legal action. hindi talaga nila ginawang jan. 15 or 16 since sahod or after sahod. I dont have intentions na hindi sila bayaran. inaantay ko lang po na makuha yung kiniclaim ko sa kanila and then babayran ko sila. i dont even change my phone number and active ako sa social media ko. and they know my new employer. I hope you could help me. thank you.
Good am atty magtatanong lang po sana may karapatan po ba ako sa sweldo ng asawa ko..kung papayag ako na maghiwalay kami dahil may bago na xang babae..ano po ang mga karapatan ko kasal po kami at walang anak..ty po
Hi atty
Goodmorning po. I just have a question regarding a loan I applied (sa Cashwagon) then after minutes, I’ve sent them an email to cancel that loan since I don’t need money anymore. After that day, I never received a call or response to my email so I thought, they received it and they acknowledged that I’m cancelling the loan. Kaso the next day, around 2-4pm (which is my time of sleep, as I work on wee hours), they sent me a text message advising me that they have disbursed the money to me. Wala po akong kontratang pinirmahan sa kanila for that reloan. Tapos sinendan po nila akong pera which is really surprising. Ni wala pong tumawag sakin to verify and check on everything. Hindi gaya sa CashMart. The same day I received the loan, tinry ko po silang tawagan sa 6727853 but up until yesterday, nagbbusy lang po ang phone number nila. I’ve also been trying to contaxt them through email pero I never received a response about sa concern ko. Last week p po ito nangyari and natatakot po ako na baka pilitin nila sakin pabayaran yung interest. Yung pera po na sinend nila sakin, kinabukasan po ng umaga ay sinend ko rin ng buo po pabalik sa kanila with a picture of the payment I made. I don’t think it’s fair for them na singilin ako sa bagay na hindi ko naman inagreehan dahil po for reloans sa CashWagon, you only need to click para matanggap mo yung money. I didn’t go through any processing and wala po akong pinirmahan. If in case po magdemand po sila sakin na bayaran ang interest, may laban po ba ako sa kanila?
Good Day Atty! Tanong ko po sana kung ano ang liability ng isang tao na naging dahilan ng disgrasya at pagkamatay ng asawa ng pamangkin ko. Ang kwento po last dec 24, natutulog po yung asawa ng niece ko nung may sumundo na SK Chairman galing sa isang inuman at lasing. Nagpapahatid daw po, kaya hinatid naman ng asawa ng niece ko. Pareho silang naka motor. Bale tag isa pong motor sila. Sa kasamaang palad po, ang kwento nung SK Chairman na lasing, mabilis daw po ang takbo nya at sinusundan sya ng asawa ng niece ko, at bigla sya nakatulog kaya sumalpok po ang asawa ng niece ko sa kanya dahilan para tumilapon at tumama po yung ulo. Yung SK Chairman po nagkaron lang daw ng mga pilay at bruises. Pero grabe po ang tinamo ng asawa ng niece ko kaya tinakbo sya sa ospital at nalaman na namaga po ang utak neto kaya kailangan operahan. Sa pakikibalita ko po akala ko bubuti ang kalagayan ng asawa ng niece ko pero di ko akalain na ikamatay din nya. Ano po kaya ang pede naming maikaso sa SK Chairman at ano po yung pede namin ipasagot sa kanya para sa naiwan nyang asawa at anak na ilang bwan pa lamang po. Nagsisimula pa lang po kc magpamilya yung niece ko at asawa nya. Salaman po ng marami. Sana po malaman ko agad ang mga dapat gawin.
Good Day Atty! Pls help nagbenta po ako ng car ko sa isang nakilala lang sa social media, usapan po namin ay Cash.. Nung nagkita na kami at magbabayaran cheke po pala ang ibabayad nya nasa kanya na ang sasakyan ko, ngunit the next day po araw ng pagpasok ng cheke pinastop payment nya, t may isa pa sya cheke na 200k ngayon po ay di na sya nakikipag usap samin huli usap ay bawiin ko na lang ang car ngunit ayaw nya ba pumayag,naloko nya po kami at naitakas na ang sasakyan ko. Paano po ba gagawin namin para mapahuli po sya?
atty. Mag ask Lang po ako. 11 yrs ago May nabilin po kaming palayan at manggahan 2 hectares po and problema po sa loob ng 11 yrs di ko po napakinabangan ung nabilin Kong lupa Kasi ung mga tenants doon Ang nagtatanim at kumukuha ng Ani ng palayan. At ung sa mggahan po pinabayaran nila sa akin ung bawat isang puno ng maggga. Ano po ba Ang maganda Kong gawin para po ako Naman Ang makinabang sa nabili Kong lupa. Last time po Kasi na pumunta ako doon para makipag usap ako pa po ung tinakot nila. Ano po atty Ang maganda Kong gawin.
Atty., kung yung ex bf ko po nag eearn ng 40k monthly, ilang percent po nun pwedeng makuhang sustento ng isang anak namin? Ilang days po pwede ko iallow na visitation rights sakanya monthly? Or pwede ba na twice a month lang? Di po kami kasal pero gamit po ng anak ko ang last name niya.
Good evening po attorney sana mapansin nyo yung msg.ko Ask ko lang po pano po dapat gawin kumuha po ako ng cenomar at ang dumating ay marraige contract pero never pa po akong kinasal. Nalaman ko po na ginamit ng sister ko ang name ko at ang sinbi nya di naman daw totoo un at plabas lng pero bakit marraige contract ang binigay sakin sabi nya pastor daw ang nagkasal sakanila ng di ko po alm ano po ba dapat kong gawin malaki na po ang anak ko hanggang ngayon di pa ako makasal. Gusto ko na po maging maayps ang lahat. Maraming salamat po attorney.
atty tanong ko lang po.. may gf po ako at may 4 na anak. same po kami ofw at nkauwi last year. kasal po sila ng dati nya asawa. ang nangyari po kasi yun dati asawa nya di nagsuporta sa mga bata mula ng nag abroad ang gf ko. pati po ang 4ps yan ginagamit po pang bayad utang at wala po ni peso ang naibibigay sa anak nila. nag isang taon na po kami last dec 25. nagkita na po kami at nakausap ko na po din ang pamilya nya tungkol po sa relasyon namin.. okey naman po pakikitungo nila sakin. pero di po ako natulog sa bahay nila dahil alam ko po di po ako pwde matulog doon at magpakita dahil po di pa po sila nag hihiwalay sa legal na paraan. ngayon po nagbanta ang ex husband nya na ipapa deport po ang gf ko kung sakali makabalik kami abroad at magkakaso daw po cya. sa kalagayan ko po alam ko po mali pero mabuti po hangarin ko sa gf ko pati na po sa mga anak nya. sinabihan ko na rin po na dapat ipatawag ang ex husband nya para magka usap sila at magkaroon ng usapan na maghihiwalay na sila ng maayos at sumunod po yun ex husband na mag sustento kasi po sabi ng gf ko. di po nag sustento ang ex husband nya mula ng nag abroad sya at kahit po wala pa sya nag abroad ay di rin po maayos ang buhay nila.. atty sa kalagayan ko po alam kong mali makiapid sa may asawa pero mahal ko po gf ko. at gusto na talaga po hiwalay ang ex husband nya..lalo na po dinaya lang po ang edad nya nong kinasal daw po sila. kahit po mismo yun nag kasal sa kanila alam na dinaya lang po yu kasal dahil po nabuntis cya nong 16y.o. pa lang po sila. atty ano po pwede namin gawin ng gf ko ayaw po namin ng gulo at magkaroon ng hadlang sa pangarap namin dahil po nagpaplano po kami ulit mag abroad para po makaipon at matulungan ko po cya sa pagpapa aral ng mga anak nya.. single father din po ako may isang anak .. di po ako kasal nasa ex gf ko po anak namin pero di po ako nagpapabaya sa responsibilidad ko po bilang ama sa anak ko. sana po matulungan nyo po kami kung ano dapat gawin..
maraming salamat po
Atty nagkaron po ng unang kasal ang asawa ko nong 1993, Tpos po ikinasal sya ulit ng 2007… 2011 n annulled po ang kasal nya nong 1993, at ikinasal po kmi ng 2016. Valid po b ang kasal nya ng 2007 at ang kasal Nmin nong 2016? Salamat po.