Free Legal Advice

Looking for free legal advice online? Look no further! Welcome to Attykalibre, your one-stop destination for hassle-free, fast, and convenient legal consultations right from the comfort of your desktop PC, mobile phone, or tablet.

Attykalibre.com brings together a team of experienced legal professionals from various fields who are dedicated to providing you with reliable advice through live one-on-one chat consultations. The best part? It’s absolutely free!

Here’s why you should choose Attykalibre for your legal inquiries:

1. Simple and User-Friendly: Navigating Attykalibre.com is a breeze. With our easy-to-use platform, you can quickly find the legal assistance you need without any complexity.

2. Speedy Responses: No more waiting in long queues or playing phone tag with lawyers. Attykalibre ensures rapid responses, saving you valuable time.

3. Free Legal Advice: We understand that seeking legal counsel can be costly. Attykalibre breaks that barrier by offering free consultations, so you can get the help you need without worrying about fees.

4. Ultimate Convenience: Busy schedules and tight commitments? No problem! Attykalibre allows you to access legal advice whenever and wherever it suits you best.

Join Attykalibre.com today and become a member for free! As a member, you can request a meeting with an attorney of your choice, be it a personal injury lawyer, family law attorney, bankruptcy attorney, or an expert in various other specialties.

Don’t hesitate! Visit our website now and click on the free legal advice widget to get started. Let Attykalibre.com empower you with the legal knowledge you seek!

2,820 Responses

  1. atty. ask kopo kasi po binogbog po tito at tita ko sa teretoryo nmin nagkafracture po sila. simula po ito sa lupa inaangkin po ung amin kesyo fake daw po documento na hawak nmin. nasapak po ng tito ko ung tatay nila na senior na sabi umaawat daw pero totoo eh sumusuntok din. dahil po doon sila po matapang magsampa daw sila ng kaso sa panununtok ng tito ko. any advice po. may laban po kaya sila pag nagsampa kami kaso kasi panakot nila un nambabaliktad na sila

  2. Gud evee atty; gusto ko lang po tulungan tong kaibgan ko. Tatay niya po is lawyer pero iniwan at pinabayaan sila at may anak syang may severe metal illness – schizoprenia. Matatanda na po sila pero pede po bang kasuhan yung tatay nilang laywer dahil pinabayaan sila nung bata pa at lalo na ng anak niyang may sakit sa utak.

  3. Good day. Sana po ay matulungan nyo ako regarding my marriage. Gusto ko na po humiwalay sa asawa ko. Years ago medyo hindi ko na maintindihan ang husband ko in regards with our family. Lately gabi gabi na siya nagiinom. Lagi na mainit ang ulo at lagi na lang kami nagtatalo. He is working in a Makati government office and I am working in a private company. 1st concern is minumura nya ako madalas at bigla na lang umiinit ang ulo ng wala dahilan. 2nd concern is money. Last november we had a fight reg sa binyag ng anak ko dahil ang gusto nya 20k lang ang ibigay nya at ipashoulder nya sa parents nya ang remaining balance na 10k. I have my 10k contribution by the way. 3rd is my eldest who is already 11 yo. Natatakot ang bata sa kanya dahil hindi nya alam kung kelan nya pwede lapitan or kausapin ang daddy nya dahil nga sa bad mood lagi sya. 4th is my husband does not give me his salary instead keep it at kahit may pera sya ako pa din ang nagsusustain ng needs ng mga anak namen at magbbgay lang sya kung kelan good mood sya or kung kelan gusto nya. Ultimo pang gas ng motor namen ako pa din ang nagbabayad. 5th is we are living with my inlaws na super bait naman at supportive sa amin but whenever they see us rather see their son doing all those things,wala pa din magawa dahil wala naman pinakikinggan un husband ko and itutuloy pa din nya kung anu gusto nya. 6th is un pananakit nya sa akin na naiiwasan ko lang dahil gumigitna ang nanay nya whenever we have a fight. But my instance before na sinakal nya ako,binato at pinalo ng kung anu makuha nya gamit. Sa lahat ng naikwento ko, wala alam ang pamilya ko(my parents & siblings) dahil hindi ko naman nababanggit un hanggat kaya ko tiisin. All they know is mabait sya at tahimik. Please give me advice on what to do and may chance ba na sa akin mapunta ang mga anak ko. Thank you.

  4. Hello, I’m a call center agent working for *********, the account I am in promises a two thousand pesos salary increase each time I get promoted to a higher tier (basically a position that would require me to handle more stress). My starting salary is 26k composed of only basic salary, that’s it, no allowances. Im currently on my 9th month on the company, 5 months ago I was promoted from the first tier to the second which supposedly increased my salary to 28k but it never happened, I kept following up with my Team Leaders but they only told me that they are following up on it as well, they kept promising that there would be a retro salary paid to me during the months I served tier 2 without the promoted salary being applied. Should I pursue legal actions?

  5. Hi Atty. Yung kuya ko nakadalawang partner na at separated na pareho pero dj kasal. Sa unang babae may 1 anak sya at sa 2nd babae 2 anak. Pareho hindi nya sinusuportahan. Yung 2nd babae nagbabala na kapag hindi sila suportahan ng kuya ko magdedemanda daw siya. Pwede ba yun kahit hindi sila kasal? Kami din ba mga kapatid at yung nanay namin liable sa kanila? Thank you po

  6. Na scam po kami ng kaibigan ko last 2016 of december ng 700k..500k sa kanya at 200k po sa akin at inireklamo po namin siya sa nbi..Pero nung JAN 9,2018 nagbayad po si scammer ng 66ksa akin.tapos pakonti konti ay binayaran po ako hangang sa umabot ng 120k ang naibayad.Sa pag aakalang ibabalik ay pumirma po ako na nagsasaad na bayad na ang kabuong 200k.Since yung kaibigan ko na kung saan magkasama ang pera namin na ideneposit nya kay scammer ay itinangi na wala pa siyang nakukuhang kabayaran ng pera namin.Sabi ni scammer ay kakasuhan daw niya ako ng estafa dahil kumuha daw ako ng di ko pera..PWEDE PO BA YUN?

  7. Good evening po.. tanong ko lng po kung anonpo ang dapat gawin.. kc po ung kapatid ko s probinsya eh may nabugbog. Ung nabugbog nya po eh ns hospital at humihingi ng 500,000 pr daw po s pag papagamot..ky lng po kung iisipin hindi lng namn po kapatid ko ang may kasalanan s nangyari.
    Ung na bugbog nya po ay dekada n nyang pinapapasensyahan. Pno ko p nsbi yon?

    Ofw po ang kapatid ko.. bgo po sila ilasal ng asawa nya.. may alitan n po ang bayaw nya at asawa nya.
    Dahil nga po eversince nag aabroad ang kapatid ko. Naiiwan po s bahay nila ang asawa nya at anak. N madalas samahan ng mga magulang nmin..
    Ung bayaw nya po pag nalalasing palaging hinahamon ang tatay ko.. pero madalas po nagpapasensya sila pr iwas gulo..

    May pagkakataon pong binasag nya ang bintana ng bahay ng kapatid ko nung wala ang magulang namin don.. pinasok nya ung magina ng kapatid ko at balak saktan..mabuti nlng po at may mga umawat.. nung panahon n yon nagpa blotter lng po sila kc nakiusap ung biyenan ng kapatid ko n wag mag reklamo.

    As years gone by.. plagi pong ganon pag nalalasing madalas nanghahamon.plagi pong tatay ko ang ksama ng magina ng kapatid ko ky nakakaiwas pero may mga panaho po n pinapatulan ng tatay ko. But in the end blotter lng po ang nangyayari kc nga po laging nakikiusap ung biyenan ng kapatid ko.

    Pero nung dec. Po eh nagkataong wl ang magulang ko s kanila at ang asawa nya ay ns trabaho. Manghamon nnman po ung bayaw ng kapatid ko in the middle of the night.. nagkataon pong hindi n nakapagpigil ang kapatid ko at napatulan nya po at nabugbog nya ng sobra s dami n ng kinimkim nyang sama ng loob..

    Pinaalis n po namin sila doon s kanila iniwan nila ang kabuhayan n naipundar nila pr makaiwas s gulo. Pero tama po bng humungi sila ng ganon kalaki..eh kung tutuusin sila nman po ang nagsimula ng gulo??
    Sn po ay mapayuhan po ninyo kmi ng dapat naming gawin..

    Wl po silang complaint kc alam po nila sila ang may mas malaking mali s nangyari..u

  8. Atty. tanong ko lang po sana, ano ang pwedeng legal na gawin kung ang ama ng anak ko ay hindi na nagbibigay ng sustento, lagi ding lumalayas. Hindi nagtatagal sa trabaho kasi sobrang tamad. Nakadagdag pa ang nanay niya na nag kokonsinte at lagi din niya ito pinapapunta sa bahay nila at duon lang lage, nakatambay walang ginagawa. Ako lang isa ang nagtataguyod sa aming anak. 3years na po kaming kasal at mahigit tatlong taon na din kame sa aking anak na emotionally and financially battered.

  9. Atty tatanong ko lang po kung anong magiging laban ng mister ko kapag nag sampa ako ng kaso ng concubinage or vawc. kasal po kami ng mister ko at nalaman ko po na may kabit sya na kaopisina nya dati. nalaglagan din po ako ng anak ng dahil sa laging nag chachat yung kabit nya na sana eh mawala na lang daw po yung baby at ako. sana po matulungan nyo ako sa tanong ko.salamat po.

  10. Ang aking pangalawang anak ay nakaapelyido sa kanyang ama, ngunit hindi kami kasal, hiwalay na kami ng kanyang ama dahil nalaman kong ito ay may ibang babae at nakabuntis. Ang una naming anak ay nakaapelyido sa akin kaya nais ko sana ilipat na rin sa akin ang apelyido ng pangalawa kong anak dahil nagkakalito sila lalo pa at nag aaral na sila. Sa kasalukuyan ako ay kasal na rin sa ibang lalaki at may anak na. Tatlo ang anak ko na iba iba apelyido, ang panganay (apelyido ko sa pagkadalaga), 2nd ay (apelyido ng ama) at 3rd ay (apelyido ng aking asawa). Ang ama ng aking pangalawang anak ay pumayag na ilipat sa akin ang apelyido ng anak namin sa kundisyon na makita nya ang aming anak kahit isang beses sa isang linggo (saturday o sunday) at kung ilipat man ito ay sa apelyido ko at wag iapelyido sa asawa io. sana po ay matulungan nyo ako bago man lang mag grade 1 ang aking anak. Upang hindi malito ang aking mga anak at ang ibang tao

  11. Good day atty. May gumugulo po sakin. Umalis po ako sa work ko kasi abusado po ung bos namin..Ngaun may mga short ko ako dun mga nasa 2k pataas po,ngaun nag sulat po sila saakin pinagbibintangan po ako na nagnakaw ng 11k. Ayon sa sulat kailangan ko daw po ung bayad or else magkikita daw po kami sa korte..Ano pong gagawin ko atty.? Di ko alam kung san nila nakuha ung 11k na sabi na utang ko..maraming salamat po

  12. Gokd morning po hihingi lang po ako ng advice gusto ko na po kasi ma annuled yung kasal namin ng husband ko tumawag po ako sa pao ang sabi ina acvpet lang po nila ying mga annulment cases pag ang dahilan ay pareho na kayong may panibagong partner anu po bang dapat kong gawin wala po kong sapat napera para sa magastos na annulment. Sana po mabugyan nyo ko ng advice.

  13. good morning po, need lng po legal advise about inheritance. ung lolo po nmin may 2 families. may 3 anak sa unang asawa at 6 sa 2nd na asawa. Tama po ba na ung ari arian ay hatiin sa 2 pamilya at hindi sa bilang ng anak?

  14. Can i sue mcdonalds for not following there policy? When its late u get 100gc. Its been a week now i called there hotline to follow up 3 times na but until now no call from the store or no gc deliver to my home. The call center agent always tell me na mag call yung store but they dont.

  15. Gud am po attorney ask ko lang po kung anong parusa kung kinasuhan ka ng dati mong company worth 10,000 at nakukulong po ba kapag napatunayan ka na may sala sa ganung halaga? Ilang years na pagkakakulong po? Salamat po

  16. Good morning po. Nais ko po sanang humingi ng payo hinggil sa problema ko sa aking mga documents. Ako po ay isang illegitimate child at wala pong nakalagay na middle sa birth certificate ko. Nung nag apply na po ako ng trabaho, dahil sa hindi ko alam kung ano ilalagay ko sa middle name ko, nilagay ko po middle name ng nanay ko. Hanggang sa ngayon po lahat ng mga ID ko nakalay na middle name yung sa nanay ko. Gusto ko po sanang mag apply ng passport kaya lang hindi po magma-match yung birth certificate ko sa mga ID ko. Sana po matulungan niyo po ako tungkol dito. Maraming salamat po at pagpalain nawa kayo ng panginoon. Pio Del Socorro po ng Cagayan De Oro

  17. Hi po! Ask ko lang po ang procedure sa mga labor cases. Nanalo po kase ako sa fi’nile kong illegal dismissal case laban sa dati kong company, na’grant po ako ng reinstatement plus backwages worth 90k nung April 11, 2017 pero nag’apela po ang company at hindi ako binalik sa dati kong trabaho. Nung December 27, 2017 po ang MR nila kaya nagfile po kami last year by March, 2018 ng motion for issuance of writ or execution at nagsubmit po kami ng computation ng backwages ko na nag’accrued na po. Last week po pag’follow up ako at may writ of execution na ako at yung decision ng labor arbiter ay singilin ng sheriff ang dati kong company ng 90k at bisitahin sila kung nagcomply sila sa decision nung aprill 2017. Tanong ko lang po kung bakit 90k lang po ang pinapasingil ng arbiter eh nag’accrued po ang backwages ko dahil hindi naman nila ako pinabalik at kung gaano katagal po ulit ang hihintayin ko para makuha yung backwages ko at makabalik sa trabaho. Salamat po

Leave a Reply