Free Legal Advice
Looking for free legal advice online? Look no further! Welcome to Attykalibre, your one-stop destination for hassle-free, fast, and convenient legal consultations right from the comfort of your desktop PC, mobile phone, or tablet.
Attykalibre.com brings together a team of experienced legal professionals from various fields who are dedicated to providing you with reliable advice through live one-on-one chat consultations. The best part? It’s absolutely free!
Here’s why you should choose Attykalibre for your legal inquiries:
1. Simple and User-Friendly: Navigating Attykalibre.com is a breeze. With our easy-to-use platform, you can quickly find the legal assistance you need without any complexity.
2. Speedy Responses: No more waiting in long queues or playing phone tag with lawyers. Attykalibre ensures rapid responses, saving you valuable time.
3. Free Legal Advice: We understand that seeking legal counsel can be costly. Attykalibre breaks that barrier by offering free consultations, so you can get the help you need without worrying about fees.
4. Ultimate Convenience: Busy schedules and tight commitments? No problem! Attykalibre allows you to access legal advice whenever and wherever it suits you best.
Join Attykalibre.com today and become a member for free! As a member, you can request a meeting with an attorney of your choice, be it a personal injury lawyer, family law attorney, bankruptcy attorney, or an expert in various other specialties.
Don’t hesitate! Visit our website now and click on the free legal advice widget to get started. Let Attykalibre.com empower you with the legal knowledge you seek!
goodafternoon sir.
Hinge po ako ng legal advice.
Nagsampa po kame ng kasong rape, anak ko po ang victim 5years old, almost 4months po ang hinintay namen bago mlumabas ang warrant at nahuli na ang suspek nakakulong na.
Kaso po sa ngayon maayos na ang anak ko nakalimot na sa hinde magandang nangyari sakanya, ayoko na po bumalik yung trauma ng bata.
Nagiisip po kame ng mister ko na hinde na sana ituloy ang kaso kasi iniisip namen kalagayan ng anak namen.
Kaso po hinde naman din nakikipag areglo ang pamilya o ang suspek samen, lalaban daw sila sa kaso.
Ano po ba magandang gawin namen, wala pa po kame abogado hngang ngayon.
Sana po matulungan niyo kame.
Salamat po
Hi Attorney, tanong ko lang po, Ano po ang pwedeng ikaso sa taong naghihimasok ng personal na problema or buhay ng isang tao at nagsasabi ng mga kasinungalingan laban dun sa biktima. At dumating na po sa puntong nagulo na yung buhay nung biktima at pati pamilya nya? Salamat po sa sagot sa tanong ko ha.. Godbless po
Wala po akong hiniram na pera s HOA namin. Nagstop lang po ako magbayad HOA due/fees.
Pwede po bng kunin ng HOA ung bahay namin?
Good Day Attykalibre. Tanong ko lang po Kung may mahahabol pa ko sa company ko, kasi terminated na daw ako binigyan ako ng termination letter ng manager ko (hindi sa HR) pero di ko tinanggap, sabi nila wag na daw ako pumasok bukas kasi ban na daw ako sa job site. Then pag pasok ko kinabukasan ayaw na ako papasukin ng manager, tinutulak at hinahatak nya ako literal palabas ng gate. Pwede po ba ako magreklamo sa NLRC kahit na 3 months pa lang ako sa company nagtatrabaho. Salamat po.
wla po akong hiniram n pera s HOA namin.
Nagstop lang po ako magbayad HOA due/fees.
pwede po b kung ng HOA ung bahay namin
Dear Attorney,
A blessed day po sa inyo atty. May relative po ako. Gusto niya lang po malaman kung paano po ba ang gagawin nya dahil walang middlename yun name nya doon sa ini- issue sa kaniya na dismissal order at certificate of finality about sa case filed against him. Tatanggapin kaya yun document sa NBI kapag nagpa- update na sya ng kaniyang record? Kung hindi po, ano po ang remedyo? huhulihin po ba sya pagpunta nya sa NBI kapag hindi tinanggap as valid yun dismissal order at certificate of finality? Mababalewala po ba yun dismissal dahil lang sa walang nailagay na middlename?
Sana po ay mabigyang tugon po ninyo agad ang aking tanong para po sa kapanatagan ng isip at kalooban nung subject at para na rin makabalik na po cya sa pagtatrabaho.
Marami pong salamat at sana pagpalain pa kayo lalo ng ating Panginoong Diyos upang mas marami pa kayong matulungan.
good day ask ko lang po anu ang dapat gawin sa mga tenants na umuupa ng at will po at monthly sa amin hindi po sila makabayad ng maayos sa paupahan pati po bills ng meralco at maynilad ng papatong madalas po na pinupuntahan ng mag puputol ng kuryente at tubig palagi pong late magbayad ng rent ginawa ko na po lahat na maka usap sila ng maayos pero ganun pa din po salamat po sa sagot
Good morning po Atty.advice nyo po ako kung ano ang dapat kong gawin. Ako po ang may ari ng bahay at lupa, pinatira ko ang aking kapatid sa 1st floor, pero umuwi sila sa probinsya upang asikasuhin yung manang lupa ng asawa mo nya sa la union, kaya pinaupahan nya yung 1st floor,at inangkin na nya yung 2st floor at ngayon po aalis na itongv december yung umupa, kinailangan kopo kunin na yung 1st floor dahil nakinabang na ng 19years sa upa ang kapatid ko at kinausap kopo yung umuupa na hanggang dec. 8 nalang sila, pero nadamage po nila yung mga pader binakbak po nila yung pader at tinanggal nila kc yung lagayan ng mga computer, sabiko silipin ko ang 1st kasi nakita ko na puro damage yung mga pader at cr, Dapat po ba ayusin ng umupa yung mga damage nila bago sila umalis sa 1st floor, ano po ba ang dapat ko gawin, kc po parang umiiwas sila na silipin ko yung bahay, Ano po dapat ko gawin, Salamat po
Good Day Atty! Ano po ba ang dapat ko pong gawin kung gusto ko po gamitin ang tunay na pangalan ko? ang ginagamit na pangalan ko po ngayon at yung tunay kong pangalan ay parehong registered sa PSA. Magkaiba po ng pangalan, magkaiba ng birthplace, at magkaiba ng parents info, pero same birthdate.
Can i get free consultation?
Hello po atty.
Ask ko lang po kung sapat na po ba ang public insult or humiliation ng head sa employee sa school para d na pumasok sa workplace?
Dahil sa hindi po magandang treatment d na po pumasok,pero now pinagbabayad po nila ng 2 buwang sahod dahil daw nag awol ang employee…nagfile siya ng resignation pero d tinanggap ng school.private school po.,at pag d raw nabayaran magfile cla petition to revoke yung license sa PRC
Atty, greetings of PEACE!! Ano po ang legal remedies regarding my mothers concern on the transfer of pensions & benefits of my late father para sa mother ko po since hindi po sila kasal? They were living together for almost 40yrs pero hindi sila nag-isip para magpakasal kasi alam nyo man po yung buhay sa probinsiya at saka my late father was a member of the defunct Phil. Constabulary(PC) then upon his retirement he opted to be part of the AFP! Since, all of my late father personal data or other documents was done also submitted to the AFP pension division the beneficiaries is my mother then us his children us secondary beneficiaries. In that case Atty what legal remedies can my mother produce since she can’t have an authenticated marriage contract so she can be a legitimate beneficiaries? If possible pwede po rin ba kami as secondary beneficiaries claim the benefits & transfer of pension either me or my sister? I hope you can give me a favorable reply on my concern?!
Thank you so much & More power!
Hi po attorney, ask ko lang po sana if pwede po ba ako makasuhan dahil sa pagpaparinig even though sila nauna na nagparinig and actually said really hurtful words towards me. Thank You!
attorney tanong ko lang po nakapangutang po ng 100 thousand ang byenan ko sa isang tao ang usapan ay 5-6 dahil sa matinding kagipitan pinatos ng aking byenan.. ngunit dahil nga sunod sunod ang problema ay tinubuan ng tinubuan ito ng pinagkakautangan at ang interest ay umabot ng kalahating milyon.. sa ngaun ay bina blackmail nila ang aking byenan. kaya ako po ay dumulog sa inyo.. ano po kaya magandang ideya upang hindi tubuan pa ng higit sa isang milyon ang nautang na 100 thousand
Hello po atty myroon po ako katanungan tungkol po eto sa pagfile ko ng kaso sa live,in partner ko po na foreigner sa formal support nya sa anak namin at pagbubugbog ng babae nya sa akin.dati po ako married separated po for 20,yrs wlang anak sa ex husband ko p.o..nagfile po ako ng annulment 5,yrs na po hangang ngaun hindi pa po tapos ngaun po ang tanung ko po wala po bang bisa ang file na kaso ko po sa live,in partner na foreigner at babae niya dahil hindi ko dala ang apelyedo ng dati ko husband for 20yrs separated.?at overstating po ang foreigner ,5yrs na po sya dito sa pinas.ano po ba dapat kong gawin.tnx po sana masagot po ang aking katanungan
Atty may nagpunta po sa bahay namin para sabihin na irereposess na po nya ang kotse namin. At kukunin na nya same day. May nabasa po ako na dapat na may ipinadala muna sila na reposession letter at may 20days para gumawa ng paraan. Tumawag po ako para tanungin kung magkano ang dapat bayaran pero di na raw pwede. Pagkatapos po ng ilang araw nakareceive pa po kme sa Toyota Financial ng bill na pinagbabayad kme ng kulang namin. Ano po ba ang pwede namin gawin?
Atty.ano po ang magandang sagot po dito sa nte ko, samantala hindi naman namin alam kung sino po talaga ang gumawa pero may notice to explain po kami at pinayagan naman nilang ipauwi yung motor ng company
Hello Atty.
I just wanted to consult about Data Privacy Act 2012. Atty. May conversation po kami ng bilas ko thru Fb Messenger, tungkol po sa buhay buhay, mga hinanakit namin sa byenan naming babae. Pero never namin ininvolve ang ibang tao, kasi for us it’s natural lang na may mga mapapansin kami na mali dahil na din sa pinapakita samin. Never kami nagsusumbong sa byenan naming babae kasi lagi nyang kinakampihan ang mga anak niya. Lagi na lang kaming mga manugang ang may kasalanan without her knowing what happened. She essily judged us withount asking her children what did they do for us (wives) to act like that. Until one day, ung asawa ng bilas ko ninakaw ung access nia sa lahat ng social media accounts nia, ung conversation namin thru fb pinabasa nya sa mommy nya na (byenan namin). Galit na galit samin ng bilas ko and I think it’s natural dahil mga pintas sa kanya ang nababasa nya. Pero marami din kaming conversations ng hipag ko na admitted kami na mali ung mga naiisip namin as time goes by. Pero ang nkakalungkot lang after kong magsorry sa byenan ko, hindi sya nakuntento, she printed a chosen conversation namin ng bilas ko. In short mga conversation namin na patungkol lang sa kanya at ipinabasa niya sa mga anak, kapatid at pati sa ninang namin ng asawa ko sa kasal. Those persons have sent me a message and expected ko na pong hindi maganda ang sasabihin nila sakin. Sinubukan q manahimik pero ayaw parin tumigil ng byenan ko. Walang magawa ang asawa ko kasi sobra syang mama’s boy, pinaparamdam nya sakin na kampi sya sa nanay nya at deserve ko ang imessage ng mga tao na nakabasa. Hindi ko na po kaya ‘yung ginagawa nila despite the fact na nagsorry ako sa mga nasabi ko sa convo. Pero my mother in law even wished na kung sa iba magkaka-anak ang asawa ko is ok lang sa kanya. I made my decision na po na magfile ng complaint para malaman nila na mali ung ginawa nila sakin.
Respectfully Yours,
Jhona
hi attorney, magtatanong lang po ako kung ano po pwede ikaso sa isa ko pong kapatid na pinalipat nya po ang titulo ng bahat at lupa ng magulang namin sakanyang sarili upang hindi kami mabigyan ng parte sa property ng mga magulang namin
Hello po attorney. Hello peso sense! Nakita at nabasa ko na nagpapayo kayo about legality ng kahit ano and marami akong nabasa about sa sustento. Etong question ko is about sa pagsusustent din.
So yung partner ko hiwalay na sila nung LIP nya last year dahil may iba na yung babae pero minsan doon pa rin sya tumutuloy sa bahay ng partner ko para sa mga bata. Okay lang naman yun and then, nabuntis yung babae ng bago nyang kinakasama so it means hindi po yun sa partner ko inamin naman nung babae pero ayaw nyang ipaalam sa family niya yung nangyari sa kanya kasi hindi po alam nung family nya na may iba sya. Nung nabuntis po sya pinapaako nya po doon sa partner ko pero ayaw nung partner ko syempre po di po iyun sa kanya. Kinuha po nung babae ang 2 nilang anak at inuwi sa side niya hanggang sa nanganak na po yung babae at yung parents po nung babae ay hinahabol yung partner ko at pinapaako sa kanya ang bata dahil hindi po sinabi nung babae na hindi yon sa partner ko. Hindi po sila kasal pero kung sakaling i-insist po nung party ng babae na magsustento sya don nang walang sapat ng reason at ebidensya, obligado ho ba sya or may kaso po bang maisasampa sa kanya?
second, yung 2 bata po ay susustentuhan ng partner ko kaso maliit lang po ang sinusweldo nya mga 4k to 5k kada cut off so sa isang buwan mga 8k to 10k. Ang gusto pong sustento ng nanay ay kada Linggo at hindi kada sahod at 3k pa po. Maaari po ba silang magdemand ng ganun? If ever po na hindi kaya ng partner ko ang 3k or magbigay kada Linggo ano po bang agreement ang pwedeng mangyari. Iniinsist po kasi ng side ng babae na maluho raw po ang mga bata kaya kailangan ganun ang amount. May law po ata tayo na base lang po sa kapasidad ng trabaho ng tatay ibabase ang pagsusustento. Paano po kung di sila magkasundo sa 3k, makakasuhan po ba ang lalaki or yung partner ko?
Kung sakali rin pong magsustento na sya alam ko pong may rights to visit po sya sa mga bata. kung sakaling ipagkait po sa kanya ang mga bata may kaso po vang pwedeng isampa doon?
pasensya na po at marami akong tanong. 🙁 sana po ay masagot nyong lahat. Maraming Salamat.