Free Legal Advice

Looking for free legal advice online? Look no further! Welcome to Attykalibre, your one-stop destination for hassle-free, fast, and convenient legal consultations right from the comfort of your desktop PC, mobile phone, or tablet.

Attykalibre.com brings together a team of experienced legal professionals from various fields who are dedicated to providing you with reliable advice through live one-on-one chat consultations. The best part? It’s absolutely free!

Here’s why you should choose Attykalibre for your legal inquiries:

1. Simple and User-Friendly: Navigating Attykalibre.com is a breeze. With our easy-to-use platform, you can quickly find the legal assistance you need without any complexity.

2. Speedy Responses: No more waiting in long queues or playing phone tag with lawyers. Attykalibre ensures rapid responses, saving you valuable time.

3. Free Legal Advice: We understand that seeking legal counsel can be costly. Attykalibre breaks that barrier by offering free consultations, so you can get the help you need without worrying about fees.

4. Ultimate Convenience: Busy schedules and tight commitments? No problem! Attykalibre allows you to access legal advice whenever and wherever it suits you best.

Join Attykalibre.com today and become a member for free! As a member, you can request a meeting with an attorney of your choice, be it a personal injury lawyer, family law attorney, bankruptcy attorney, or an expert in various other specialties.

Don’t hesitate! Visit our website now and click on the free legal advice widget to get started. Let Attykalibre.com empower you with the legal knowledge you seek!

2,820 Responses

  1. Magandang Araw

    Ang nanay ko po kase ay nag guarantor sa nagpapautang ng cellphone marami kumuha ng cp sakanya sa pabrika kaya lang yung iba hindi na naghulog dahil umalis na sas trabaho at yung iba naman po di nakakhulog sa kadahilanan na personal, nakakhulog naman po ngunit maliit lang, at dahil nanay ko ang nagguarantor sya na nagshoulder ng iba hulog ng mga dati nya kasamahan sa trabaho ang probrlema po maliit lang naihuhulog nya dun po galit na galit ang nagpapautang iniiskadalo sya saming lugar chinichismis hanggang sa trabaho pinupuntahan sya e hindi naman po nya tinatakbuhan yung mga kinuha cellphone sakanya, nauwe na po sa pagresign ng nanay ko dahil nga po sa pageeskandalo nung nagpapautang sobrang hiya na po nya, kaya nagpabarangay na po siya at ang usapan po ay 5k weekly nung una nakabigay po ang nanay ko kaya lang hindi na nya kinaya dahil mananahi lang po sya , hindi po nya pinutol ang paghuhulog nito kahit 1k o 2k na binibigay nya sa barangay ngunit hindi ito kinukuha ng nagpapautang dahil ang gusto ay 5k, sobrang depress na po ng nanay ko dahil tinatakot po sya na dadalhin na munisipyo at ipapatulfo pa daw sya.
    Humihingi po ako ng payo ano dapat gawin kase d naman po tinatalikuran ng nanay ko at sya na nagshoulder ng mga utang ng iba nya katrabaho. Maraming salamat po .

  2. Sir atty kalibre. Hingi po ako legal advice. Nanakaw kasi yung pera ng company sa akin worth 18k. Yung pera na yun ay ipinasuyo lng sa akin ng supervisor ko na widrawhin sa accounting namin. Kailangan ko po bang bayaran yun? May police report nmn po. Maraming salamat po. Ako po ay umaasa sa inyong kasagutan.

  3. Magandang gabi po atty. kalibre! Ako po pala si Alexander Cinco magtatanong lng po sana, kc po ung bahay nmin po kc ay my nasakop sa katabing bahay namin na 2.656sqm. Pero ung dating may-ari ng bahay namin at dating may-ari ng katabing bahay namin ay nagkaroon ng “DEED OF AGREEMENT” na ung nasakop na lote ay babayadan nalang. Ung “DEED OF AGREEMENT” po ba ng dating may-ari ng bahay ay pde kung gamitin ngaun? Kc po my bagong nakabili ng katabing bahay nmin at kinukuha nila ung nasakop na lote nmin.
    Umaasa po ako sa sagot nyo po sir….
    Maraming maraming Salamat po….
    God Bless…

  4. Good day po! Gusto ko lang po itanong kung pwedeng magfile ng criminal case ang lalaking menor de edad noon nung nabuntis nya ang dati nyang girlfriend na 22 years old? Palagi nya raw pong dinadalhan ng inuming alak yung lalaki sa tinutuluyan nito para lasingin dahil obsessed ito sa lalaki. May mga witness po na palaging pinupuntahan ng babae ang lalaki. Salamat po.

  5. Goodmorning po, tanong lang po yung grandparents po kasi may mag iisang anak sya at may apat na apo tapus namatay po ang anak at naiwan nalang ang mga apo, pano po ba e exercise ang right of representation ng isang grandchildren sa heirship nya? Ano po ba ang mga kakailangan? (Affidavit, SPA and/or etc)

  6. Good afternoon po. Seeking legal advice regarding sa kumakalat na post na scammer daw ang kapatid ko. I am receiving messages from random people…di na ko nakatiis sinagot ko na. Sinasabi nila na nagpadala daw sila ng pera sa kapatid ko. When I checked the proof of remittance, it was being sent in Bacolod and we are here in Manila. Someone is using her name. Since there are posts being shared around with her pictures, can we consider the act of posting or sharing this post an act of defamation? I already asked some of the complainants to file a case towards the person na nakakatransaction nila. That person is saying na she represents my sister. When you check the remittance details, the phone number and location is just the same. Possible that she is also the same person na nagcclaim ng funds. My sister has never spoken Bisaya, and the transactions are in Bisaya. One proof na yun why I was able to say na di sya yun. And if the remittances were claimed in Bacolod. Never pa nakalabas ng Luzon yung sister ko.

    How do we protect people from this false accusations because someone else is using their name?

  7. hello po ask ko lang po nagbuntis ako at hindi ko alam kung sino ang tatay, sa boyfriend ko pinaako ang bata pero nung lumabas na ang bata hindi ito kamukha ng boyfriend ko. Inantay ko paglaki ng bata hanggang 4months at hindi npa din kamukha. Ang tunay na ama po pala ay yung isang lalaki na may nangyari din sa amin noon. Ngayon sinabi ko na sa kanya ang totoo sa boyfriend ko. Ngalit ang pamilya niya at sinabing ipapatulfo ako pag hindi ako nagbigay ng 100,000 at nagtxt din sakin tita ng boyfriend ko na ex ko n ngayon na humihingi din ng 20,000 ano po ba pwede kong gawin? salamat po

  8. Hi Atty.

    May tanung ako

    Gumawa kase ako nang isang (Personal social media account), its a personal account, at the same time, I created a facebook page, related to that personal account.

    This social media page and (Personal social media account) is about sharing some Godly quotes, simple as that, at the same time, the social media page will sell some Godly items.

    Now, one of my social media strategy, is to add people, random people, people that I do not know personally but have the same interest with inspirational and Godly quotes to my (Personal social media account).

    Once they confirmed the friend request, I will invite them to like the facebook page that is assosciated with my (Personal social media account).

    The trick is, when they are in my (Personal social media account), I will engage them there for them to be interested on liking my facebook page.

    Example, I will post some devotional Godly quotes to my (Personal social media account). And then , when I see their response, I will invite them to like the page. Simple as that.

    My question is this, this (Personal social media account)does not have a personal name, does not even have a personal profile picture.

    So the name and the profile picture is the name and the picture of the brand. So its sort of like a company name and a company logo.

    Now, multiple people that I am adding are asking me, “Who is this”, I refused to give them my name, I just told them that “we are a group of christians that wanted to help, so on and so on.”

    I am also telling these people, if they are asking that, “there is no need to approve our friend request, since our posts are public, so anybody can see it, and we have public page that you could also like if you want. ”

    So ganun ung sinasabe ko kapag may nagtatanung, I am very transparent to them, that there is no need to approve our request,

    Ngaun naman, paano ung mga taong hnde nagtatanung? well ang ginagawa ko, ay, dun sa bio nang (Personal social media account) ko, meron dun na parang warning, na ok lang, na wag i approve yung friend request kung uncomfortable sila.

    Then, nag post din ako nang mahabang paliwanag, na parang ginagawa ko ngaun sayo, sa (Personal social media account), regarding this issue.

    So lahat ginagawa ko for them to be comfortable on dealing with a (Personal social media account) without a face of a person, and without a name of a real person.

    Ang depense ko naman, baket ang instagram, you follow a brand, you really dont know, who operates that brand, diba?same with facebook, if they approve our friend request, and at the same time, we warn them, if they ask, if they do not ask, we still warn them. So wala na akong pagkakamali dun diba? i do not intend to harm anybody, I also even , encourage them to block us or even message us to block them, if they felt uncomfortably.

    **** Am I breaking any law? Atty? *****

    They approve my friend request, I did not even force them diba? Its a request, and they approve it.

    What prompts me? on messaging you?

    Somebody, just tonight, ask me, in facebook, about the details of who is behind the name of this brand, I refuse to answer directly, and even encourage him not to accept our friend request, or if he already accepted it, then i encourage him to unfriend us.

  9. Good day Atty

    Nakarecieve po kami ng summons from the office of lupon tagapamayapa kaya lang po ang complainant po ay officer ng barangay specifically XO and ang kaso po ay “akusasyon laban sa barangay”. Take note po na nangyari ang kaso habang naka duty ang complainant. Pwede ko po bang ignore ang summons since violation po siya ng local government code RA 7160 chapter 7 sec 408? Ano po i advice ninyo? Salamat po. Need answer po ASAP. Hinaharass po kasi kami ng barangay.

  10. Hi Sir, Magandang Gabi po. ako po ay adopt po ng tito ko (kapatid ng mama ko) wala po syang anak at asawa, simula po baby nasa kanya na po ako kaya sa birth cirtificate ko po sya ang tatay ko at nanay ko naman po ung kapatid nya (totoong mama ko). last 5yrs na stroke po sya ngaun po ung mama nya (lola ko) kinukuha po lahat ng mga pagmamay ari nya. dahil may karamdaman po ang papa ko (tito ko) wala po sya magawa. pati bahay po ng tito ko inaangkin nya po dahil sya nman dw po ang ina.

    Ang tanung ko lng po, may karapatan po ba akong lumaban sa kagustuhan ng lola ko since sya po ang tatay ko sa birth cirtifivate ko?

    PS. May karapatan po ba talaga ang lola ko sa ano mang pag mamay ari ng papa ko (tito ko po na nag amon sa akin)

    Maraming maraming salamat po.

  11. Hi atty. Ask ko lang po. Bumili po ako ng beauty products sa mall. Gusto ko po irefund kinabukasan kase po pakiramdam ko na budul budul po ako. At hindi ko kaya bayaran ung items na nabili ko. Inalok nila ako ng inalok na parang napilitan ako bilhen. Anu po ggawen ko ayaw nila ng refund.

  12. Good day po. I have a friend with unpaid debt in which I am the co maker. They just sent me demand letter today. If ever I refused to acknowledge the demand letter, will I still be liable for the said obligation? My friend is still alive and able to pay, anyway.

  13. Good Morning!

    Can my employer stop me from resigning kahit naka render na ako ng 30 days? or kahit wala pa siyang nakikitang kapalit ? can they stop me from resingning ? kahit tapos na ang 30 days ko?

  14. Gud day po atty. Kalibre. Eto po case, lumabas po anak q, 4yrs old, pra umihi, after a few seconds bumalik, naiyak na, tas saying, tinusok eyes ko tas tinuturo yung bata, same age, at my bumaon na tingting sa loob, naconfine at naoperahan po sya at nagpapagaling ngayun,total bill sa ospital is 66k and 45k nlng bnyaran ko , and bawas napo philhealth ko. Pwede po ba ako humingi tulong sa magulang ng bata sa nagyari,?? Inutang ko lang po kasi pinbyad nmin,.. Please help po.. Maraming salamt in advance.. God bless.

  15. Hingi lng po ng advice. Problema po sa lending company. Dalawa po kmi ng tita ko. Taong 2014 pa po ung collector po nila naka assign sa min ng tita ko. Itinakbo ung collection nd ni remit sa company at nd na pumasok sa trabaho. Ung huling payment nmin sa kabuuang utang ang tinakbo nya. Pinangakuan kmi na makakarenew kmi agad pg ni full payment nnmin ung utang nmin. Mraming taga opisina nila ang pumunta dito sa amin. Dhil marami kmi sa lugar namin na kasali sa lending na mostly nga po naitakbo ng tauhan nila ang singil nd nag remit na sa opis nila. Kinuha nila ang orig. Receipt at xerox lamang ng full payment with signature ng tauhan nila ang naiwan sa kin. Ung last full payment receipt po. Ung daily receipt po ng singil orig copy nsa akin. Every yr.nakaraan Kada mag audit po ata sila or magpalit ng tauhan may mga tauhang sila pumupunta sa lugar namin at nagtatanong naniningil ng utang daw nmin ni prepresent ko naman ang lahat ng resibo ko. This yr 2019 ipinasa na daw ng lending company sa isang credit service collector at eto sinisingil kmi at sinasabing tumutubo daw po ang utang nmin nd kami nagbbyad. Byad napo kmi tauhan po ng lending ang nagtakbo ng pera nila. Kmi pa din b po ang mah suffer ng pagbbyad ng utang na matagal n nmin byad.

  16. Pwede po ba i padlock ng may ari ng building ang mga kagamitan ng isang renter sa commercial space/room ng building floor kapag sinabi ng renter na lilipat na sila ng office to reduce operational cost kahit pa pumirma ang renter ng agreement na babayaran ang outsanding rent balance ng paunti-unti in a span of 4-6months?

    Any feedback po will be greatly appreciated. Thank you po.

Leave a Reply