Free Legal Advice
Looking for free legal advice online? Look no further! Welcome to Attykalibre, your one-stop destination for hassle-free, fast, and convenient legal consultations right from the comfort of your desktop PC, mobile phone, or tablet.
Attykalibre.com brings together a team of experienced legal professionals from various fields who are dedicated to providing you with reliable advice through live one-on-one chat consultations. The best part? It’s absolutely free!
Here’s why you should choose Attykalibre for your legal inquiries:
1. Simple and User-Friendly: Navigating Attykalibre.com is a breeze. With our easy-to-use platform, you can quickly find the legal assistance you need without any complexity.
2. Speedy Responses: No more waiting in long queues or playing phone tag with lawyers. Attykalibre ensures rapid responses, saving you valuable time.
3. Free Legal Advice: We understand that seeking legal counsel can be costly. Attykalibre breaks that barrier by offering free consultations, so you can get the help you need without worrying about fees.
4. Ultimate Convenience: Busy schedules and tight commitments? No problem! Attykalibre allows you to access legal advice whenever and wherever it suits you best.
Join Attykalibre.com today and become a member for free! As a member, you can request a meeting with an attorney of your choice, be it a personal injury lawyer, family law attorney, bankruptcy attorney, or an expert in various other specialties.
Don’t hesitate! Visit our website now and click on the free legal advice widget to get started. Let Attykalibre.com empower you with the legal knowledge you seek!
Maari po bang kasuhan kapa ng child sbuse kung ito ay halos 3 yrs n sng nkslipas..
Magandang araw po Atty. Kalibre.
Tanong ko lang po. Kung kami po ba ang nanalo sa kaso, pwede ko po bang singilin sa kalaban ang ginastos ko sa abogado.
Good eve po atty. Tanung ko lang po sana. My karapatan po ba ang police na pilitin akong umattend sa drug counselling sa baranggay namin dahil last 2017 nagcounselling po ako pero hindi po ako nakagraduate dahil namatay po ang asawa ko. After one month po pinuntahan po nila kming mga hindi nag graduate para sa surprise drug test at nag negative namn po ako. Ngayon po ay stay in po ako sa trabaho. Nag aalaga po ako ng stroke patient kaya dalawang beses sa isang buwan lng ako nakakauwi sa amin. 3 po ang anak ko na binubuhay, . Recently po dalawang beses na daw ako pinupuntahan ng taga baranggay at police para umattend ng counselling. Hindi po nila ako nattyempuhan dahil nasa trabaho po ako. Sinabi na rin ng mga
Kapit bahay ko na stay in ako sa trabaho pero ang sabi daw po ng police pag hindi pa daw ako nakapagreport ay sa station 5 na daw po ako mag stay in at lalong mawawalan daw ako ng trabaho , gustuhin ko man pong umatend hindi ko namn po pwdeng pabayaan na lang ung matandang alaga ko at maapektuhan din po ang trabaho ko pag nalaman po ung tungkol sa counselling. . Natatakot lang po ako na basta na lang nila ko ikulong nang dahil lang po sa hindi ako available na makapagcounseling dahil kelangan ko po magtrabaho bilang isang solo parent. . Tama po bang manakot sila ng ganun atty? Please po kelangan ko po ng advice para po sa mga mayayabang na pokice. Salamat po. God bless
ano po ba ang dapat gawin ko po kasi hanggang ngayon po kasi hindi pa po napipirmahan yong pag-ibig loan form ko po sa aming agency po. mag-iisang buwan na po ito ngayong araw na ito po?
Good Day, Hindi kami kasal ng partner ko are recently nag hiwalay kami. we have a daughter and she is only 4 years of age. She refuse visitation, the root cause of this eh hindi ko mabigay ang bahy at kasal na gusto nya because of financial issue, I told her na dadating din sa araw na yun pero di na sya makapaghintay. Kung ayaw na nya sakin wala na akong magagawa, ang gusto ko lang ipaglaban ay ang magkaroon ng visitation rights sa daughter ko. Wala syang trabaho at may isa pa syang anak mula sa ibang lalake. ang kuya nya at ang tito nya ay may problema sa illegal substances. may history na din tong mga kamaganak nya na binobosohan sila. So nag aalala ako para sa anak ko specially babae to. Anong steps ang pwede kong gawin.
Hi, meron kasi akong kinausap and sabi ko sa kanya na possible na siya ang nagnanakaw based on na nakitang buhok. Sabi ko sa kanya na ingatan niya ang career niya. (Isang room lang na kami naguusap and walang witness)
The next day baka daw kasuhan ako ng Defamation or false accusation.
If natuloy to, mananalo kaya ako?
Good day po. ask ko lang po sana kung anong pwede po ninyong iadvice sa situation ko po. Legally married po ako dito sa Pilipinas, as for NSO records po. pero po yung marriage license po namin is invalid, not existing po. over 10 years na po kaming hiwalay at naninirahan po sya ngayon sa Australia and permanent resident na po sya dun, may bago na din po syang pamilya at anak po. Nais ko po kasing magpakasal dito sa Pilipinas with my Foreign boyfriend who lives in the US. I’m turning 40 years old na po next year and gusto na po naming magsama and hindi po namin magawa kasi legally po, I’m married po dito. pwede po bang epetition yung pagsawalang bisa ng kasal po namin with the invalid and not existing marriage license, hindi po kasi kme ang nag apply ng lisensya. at hindi ko naman po alam na fixer po yung nag asikaso dahil matagal na din po naming kakilala. salamat po.
good afternoon… seeking legal advice po here for house and lot na iniloan nila and for approval ang bahay at lupang kinatatayuan at tinitirhan ko na nasa pangalan pa rin ng nanay ko pero ako po ang occupant ng certain portion with a house built and fully improved by me because of my hardwork… may nabili na po akong 250 sq. meters within the land na 1000 sq. meters pero pirmahan lang po ang hawak ko… can you help me?
Good day Atty. Ask ko lang po sana if tama po ba ang mag full out ng motor under financing na walang written notice. Basta nalang po kinuha sa labas ng bahay na walang abiso. My past due po na two months last year pero this year po up to date po ang payment… Then nag verbal po sila pag punta namin dun 3days ago. Na need namin i settle ang five months. Today aug. 16 i settle na po namin ang 5 months bigla po nila sasabihin na outstanding balance po ang need na i settle. Ano po kaya ang tamang gawin sa kaso na katulad nito. Thanks po. Atty.
Attorney may tanong po ako tungkol sa lupa ko na private property. Ganito iyon. Meron pong family na palaaway na nakakadaan sa lupa ng kapitbahay nila na private property na Papuntang barangay hall. Tapos nakakadaan naman sila sa aking lupa papuntamg barangay road. Inaway po nila ang kapitbahay nila so, sinarhan po sila ng daan papuntang barangay hall. So, sa private property ko na lang sila nakakadaan papuntang barangay road. Ang problema ko po, nagpaparking po sila sa lupa ko dahil wala silang parkingan sa bahay nila. Pati iyong care taker ko na nagtatanim ay hindi na makapagtanim dahil sinasagasahan nila ang mga pananim. Kasi po ang lupa ko na napapagitnaan ng barangay road at bahay nila ay 500 sqm. Puwede po bang maglagay ako ng gate sa end ng barangay road na lupa namin? Para hindi po nila maipasok ang sasakyan nila sa lupa ko at nang hindi nila gawing parkingan ang lupa ko. Puwede pong maglagay ako ng gate na hindi puwedeng makadaan ang sasakyan pero puwedeng makadaan ang tao? Kailangan po ba talagang bigyan ko sila ng daan ng tao sa lupa ko? Thank you po!
magandang araw atty. kalibre, itatanong ko lang po kung pwedeng kong putulin ang sustento ng ka live-in kong lalaki sa anak ko sa paraan ng kasulatan, dahil ayaw kong magkagulo ang pamilya nya at pamilya ko?
Ask ko lang po kung may kaso po ba ung asawa ko n nagpost s fb tungkol sa ksmahan ko na nsabahn nya malandi s fb indicate ung name ng ksmahan ko. Sinabi din ng asawa ko na lagi ng vcall ung ksmahan ko at una ngchat skn. My anak at asawa na ung ksmahan ko snbi din ng asawa ko. Hmhngi ng danyos n 10,000 ang pamilya ng ksmahan ko dahil s nangyri.wla nmn pagmumura at ang sabi lang ng asawa ko malandi cya.bngyan cya ng summon s brgy pinpatawag kami dalwa.
Gudpm po.me nakbili po km n lupa almost a decade n km dto Tapos ngaun bgla me nagclaim IBA sya dw me ari samantalang noon ngtau km dun ng Kubo e d nmn Niya km sinasaway.s IBA km ngbayad Dhil xa dw me ari .Tapos ngaun pinapaasa km nun lumitaw n bago may ari ng lupa me ipinakita xa n pasok dw s lupa nya un binakuran namin.ibinenta nya s iba?alam nya nmn n willing km ngbayad kng tlg sya Ang me ari.ano po b Ang laban namin?salamat po s pagsagot.
Good Afternoon.
Malaki po ba ang chance kong manalo kapag kinasuhan ko yung kapitbahay namin dahil sa pagparada across our driveway? Yung sasakyan po kasi ng kapitbahay namin is nakapark across our driveway at nahihirapan pong lumabas yung L300 namin na sasakyan at baka mabangga po yung car nila. Sa may street po kami located. Hindi po maluwag ang kalsada namin. Also, may nag-towing na nagaganap sa amin once in a while at nasa ordinance din ng city namin na bawal pumarada sa streets.
Tapos na po kami sa baranggay pinag-settle po kami na kapag lalabas ang L300 namin inonotify nalang namin yung kapitbahay pero di po kami pumayag kaya idederetso nalang siya sa korte.
Malaki po ba ang chance na manalo kami against sa kapitbahay namin? Salamat po.
Hi po,i wanna try seek advice dito po,.Attorney,. Yung Nanay po ng tatay ko is 2nd wife.May naiwan po na lupa yung asawa nya pero pareho po silang may mga anak sa dati nilang asawa.bali legal naman pong nagpakasal yung lola ko sa lalaki pero yung tatay ko is anak ng lola ko sa una nyang asawa.matagal po naging bed ridden yung asawa ng lola ko at yung lola ko at tatay ko po yung nag alaga sakanya for 14years,.sa 50 years na edad ng tatay ko dun po sya nkatira sa lupang yon at ngayon po gustong ibenta ng mga anak sa unang asawa ang lupa,nmatay na din po yung lola ko,may marriage certificate naman cla,may laban po ba yung tatay ko?pls help me po
Hi atty.
Im a mistress pero parang hindi. Yung kinakasama ko po kasi is almost 1 year na silang hiwalay ng wife nya pero di legal paghihiwalay nila verbal lang na naghiwalay sila. Alam na nung wife na may bagong kinakasama na asawa nya which is yung bf ko nga and sabi nya last time is wala nama daw syang pakialam kung magkagf na asawa nya kasi kung magkakaroon daw sya ng bf e ipapamuka pa daw nyas sa pamilya nung lalaki. Then 3months lang di nakapag bigay yung guy ng sustento sa bata kasi andami niyang binabayarang utang ng asawa niya sugarol kasi yung babae uun kasia ang dahilan kung bakit sila naghiwalay noon. Tapos ngayong may work na sya ulit is nagbibigay sya twice a month ng sustento. Then parang di nakukuntento yung baabe sa binibigay nya kaya tinatakot kaming magdedemanda so ang lumalabas parang lagi nyang ginagamit yung bata para makahingi ng pera. Ano po kaya ang magandang gawin kasi naloloka na ako sa kanilang dalawa.
Hi good day po atty, Gusto ko lng po sana kumunsulta about po sa lupa tinayuan po kasi yun na may permiso ko, ngayon po nais ko po silang paalisin dahil nais ko pong gamitin ang lupa ngayon inireklamo po ako sa baranggay dahil raw po ay pinaalis ko sils sa bahy ng hindi malamang dahilan, ngayon po ay nais po na bayaran ko ang nagastos nila sa bahay sa pagpapatayo nito, nais ko lng pong malaman kung kakailanganin ko po ba ng lawyer para po sa kasong ito ? Kailangan ko rin po bang bayaran ng buo ang bahay ? Dahil gusto ko po sana ay ipagiba na lng ito dapat po ba itong umabot sa korte ? Sana po ay masagot po maraming salamat po in advance
Good afternoon Sir.. Ask ko lng kc my ex husband ay kasal na sa una asawa bago kmi kinasal.. Gusto ko po Sana I void ung kasal nmn.. And after that I want to change all my legal documents ba k to my maiden name.. Paano po pd ko gawin?.. Nasa abroad po kc ako.. Thanx for sa reply
Atorny pwde po ba mag sampa nang kaso kahit naka alis na po ang tao dito sa pilipinas dahil sa utang?
Good evening attorney, ako po si El Chad Chavez, 23 years old na po taga pasay city po sa kasalukuyan. Icoconcern ko lang po kung anong dapat ko pong gawin sa birth certificate ko po. Complicated po kasi ang nangyari sa birth certificate ko. Pero bago po ang lahat. Ang Ginagamit ko pong pangalan is El Chad Vergara Chavez.
Bali ang nakalagay po sa aking birth certificate ay El Chao V Chavez po, then wala po yung information sa father content po ng birth certificate ko, pero kasal naman po sila ni mama. Ang pangalan po pala ng mga magulang ko po is Jenilyn Vergara Chavez at Leonido Biescas Tabije III
Hindi ko na po alam ang gagawin ko kasi po ang balak ko na pong gamitin is yung apelyido ng tatay ko. Bali ang gusto ko pong gawin is maging El Chad Chavez Tabije po ang mangyari sa buo ko pong pangalan.
Ang concern ko din po is paano po yung mga credentials ko sa school at work kasi po ang gamit ko po is El Chad Vergara Chavez.
Another concern ko din po is yung sa mga government number ko po such as SSS, Pag ibig, Philhealth.
Sa SSS po kasi temporary lang po ang ibinigay na sss number sa akin at kung magloloan daw po ako paayos ko daw po muna yung birth certificate ko daw po. Then sa pag ibig naman po ang nakaregister na pangalan ko po is El Chad V Chavez lang po.
Isa din po ulit na concern hindi po ako makakuha ng UMID id kasi nga po may mali po sa birth certificate ko po.
Hope you can help me attorney,
Thank you & God bless po.