Attykalibre Legal Advice Center

Mabini Street, Malate, Manila City, Philippines

138 Responses

  1. Hello there, Greetings, I have a question for you. I am an athlete/sports figure based here in the Philippines. I have friends from back state side that are planned to fly over and visit as well as maybe conduct seminars on Martial Arts forums. Now I read this following article: https://www.bworldonline.com/phl-threatens-to-change-visa-rule-for-us-citizens/?fbclid=IwAR0h4m0GpK0t0_shaGGDO28mPhhL3UmkAUCYBoEGGUDGHPkbcLldAwl9BBQ

    Now I wonder if this comes to pass, how would this effect us in the sports world as far as my contacts being to fly in and visit?

    Thanks for your time. any insight would be highly appreciated.

  2. Good day Atty. Kasal po ang aking live-in partner subalit matagal na silang hindi nagsasama ng kanyang napangasawa, sila ay hiwalay ngunit hindi pa na annul dahil sa hirap at mahal ng pag file ng annulment. Kami po ng aking live-in partner ay naninirahan sa abroad simula pa noong 2011 at nagkaroon na rin ng isang anak noong 2013. Ngayong November 2019 isinilang ang pangalawa naming sanggol at nagkaroon po ng isyu sa pag report of birth dito sa ating embassy. Dahil daw po kasal ang aking live-in partner ay kailangan ipangalan sa asawa ng live-in partner ko ang bata, ito daw po ay nakasaad sa Family Code of the Philippines Article 164 at 167. Ako po ay hindi pumayag dito sapagkat unang una ako po ang biological father ng bata. Kasalukuyan po ay pending ang report of birth ng aking anak. Sana po ay mabigyan ninyo ako ng payo hinggil dito, maraming salamat po.

  3. Good morning. Meron po akong tauhan na (allegedly) naholdap noong Sep 9’19 Monday morning along busy national highway while riding his motorbike heading to the bank to deposit. According to the police blotter walang nakakita/witness. Wala rin nabanggit sa blotter na nasaktan or nasira ang motorsiklo ng aking tauhan. The blotter entry shows time at 10:00 am. Kinuha raw ng holdaper ang belt bag nya na nglalaman ng cash and checks for deposit, his cellphone, some papers, etc. Yong last text message sakin ng aking tauhan nong araw na yon (before his cellphone was taken away by the holduper) ay 9:38 am at nasa work pa sya nong oras na yon. Ngfollow up ako sa police regarding their investigation and to this date tuloy tuloy pa rin ang thourough investigation. Gumawa na ako ng complaint affidavit with the police investigator at nasubscribe na ng prosecutor. Meron na rin certification letter mula sa barangay captain (kung saan nangyari ang alleged holdap) na ngsasabi na walang nakarating na report o walang ngyaring holdap don sa petsa at lugar na yon. Hindi po ako naniniwala at lahat ng tao sa paligid ay hindi rin naniniwala na ngkaroon ng holdup. Yong mga text messages namin ng tuahan kong yon mula sa natangay nyang cellphone number ay naka record pa rin sa aking cellphone. Kung pagdugtong-dugtungin ang mga yon lumalabas na talagang holdap-me lang ang nangyari. At walang totoong holdap.

    In the absence of a withness, pwede na po bang sabihin na matibay na itong mga ebidensya para kasuhan ko sya ng qualified theft?

  4. Magandang araw po. Meron po akong Timeplan sa Loyola Plans Consolidated, Inc. 2004 ang contract date at 2011 pa ako nag-full payment. Maturity date is 2037 pa po. Noong July, na-declare na under Conservatorship na ang Loyola. Ano po ang dapat kung gawin? Advisable po ba na i-pull out ko na yung contract ko? O wait ko result kung mare-rehabilitate ang Loyola? What if nag-wait ako tapos hindi na pala siya masasalba, can I still collect? Maraming salamat po in advance sa inyong tugon.

  5. Hi Attys!

    I hope you guys can help me on this one. I submitted my reqs to a school of medicine sa Manila and one of the reqs is latest parent’s ITR, since parents ko ay owner lang ng small business, kwek kwekan, maliit na salon sa loob ng bahay namin at yung papa ko eh on call driver ng mga kapitbahay namin, nag file sila ng tax exemption for this year. Yun po ang ipinasa ko, however, na-decline po yun kasi wala naman daw pong trabaho ung parents ko sino daw po magpapa-aral sa akin, kailangan ko daw po ng Affidavit if Support and ITR of Benefactor. I asked if pwede ako since 3 years na po ako nagtatrabaho to finance myself pag nag med school na po ako. Need daw po ng supporter talaga.

    Hindi po ba pwedeng ITR ko na lang as self- support? If hindi po talaga pwede, ano po ang limitation ng pwede i-consider po na benefactor.

    Salamat po.

  6. Good day po Atty. magtatano lang po ako tungkol po sa online lending company na nag loan ako.5000 pesos po ang loan ko at natanggap ko lang ay 3700 dahil sa mga registration fee daw at mga interest na aabot sa 5100 pesos ang babayaran ko.ngayun po nagkataon naman na tinakbuha kami ng contractor namin sa trabaho at halos isang buwan ko na sweldo ay di nabayaran na dapat sana ay pambayad ko dun sa online lending loan.dahil po sa inabutan ako ng overdue lumami ng lumaki ang interest na pinapadala ng online lending co. sa akin.may mga message pa cla parang harrassment na sa privacy ko.last message nila ay ipapadala daw nila sa NBI ang personal profile ko at kokontakin daw nila ang mga nakaphonebook sa akin at sasabihin nila na may utang ako sa kanilang lending co.nakiusap ako sa kanila na bigyan ako ng palugit dahil tinakbuhan nga kami ng contractor nin sa work.pero lalong kumalaki ang interest ng inutang ko sa kanila kada araw.di ko na po alam ang gagawin ko kc di ko naman tatakbuhan ang utang ko sa kanila.nagkaproblema lang sa trabaho ko.please paki advice po.samalat

  7. Atty. Kalibre itatanong ko lang po sana kung abandonment po ba kung si husband po ay never tumira kung saan nakatira si wife and child. Bumibisita lang sya, at ngayon po ay more than 1 year na syang hindi nagpapakita. Nay kaso po bang pwedeng i-file lavan kay husband?

  8. Good morning po hihingi po sana ako mg free legal advice Atty. May pinasalo po kase akong motor kaso di nya na po binabayaran i tried to ask o kamuatahin yun sumalo di po nag rereply ako po kase ang laging tinatawagan ng finance dept ng dealer ko. Although may notarized na kasunduan na po kam i nun sumalo.

  9. Good Afternoon.

    Malaki po ba ang chance kong manalo kapag kinasuhan ko yung kapitbahay namin dahil sa pagparada across our driveway? Yung sasakyan po kasi ng kapitbahay namin is nakapark across our driveway at nahihirapan pong lumabas yung L300 namin na sasakyan at baka mabangga po yung car nila. Sa may street po kami located. Hindi po maluwag ang kalsada namin. Also, may nag-towing na nagaganap sa amin once in a while at nasa ordinance din ng city namin na bawal pumarada sa streets.

    Tapos na po kami sa baranggay pinag-settle po kami na kapag lalabas ang L300 namin inonotify nalang namin yung kapitbahay pero di po kami pumayag kaya idederetso nalang siya sa korte.

    Malaki po ba ang chance na manalo kami against sa kapitbahay namin? Salamat po.

  10. Good evening, Atty. Yung property ko po ay pina-rent to own ko sa EX-BFF ko (napaka walang kwenta niya) at total cost of 1M without interest. Nag-DP siya ng 100k then 5k a month. Nakaka-2yrs na rin siya. Since last year pa, nagsabi na ko sa kanya na need ko malaking bayad na muna dahil ako naman nangangailangan.

    First instance, sabi ko baka pwede i-loan na niya sa bank para sa kanya na nakapangalan at mabayaran niya ko ng buo tapos siya na may obligasyon sa bank. Ayaw niya raw kasi ng problema sa banko. So, okay.

    Second instance, kinausap ko siya ulit na ibebenta ko na lang bahay babalik ko na lang binayad niya lahat na parang tumira lang siya ng libre, san daw sila pupulutin.

    Third instance, kinausap ko ulit na kung pwede magbigay siya malaking amount dahil need ko talaga, ginigipit ko raw siya.

    Maintindihan ko kung makitaan mo ng pagpapakumbaba. Siya pa po matapang. Kaya gusto ko na daanin sa legal process. Hindi ko po inexpect na ganito ang magiging sukli sa akin sa kabila ng lahat ng pabor na nagawa ko para sa kanya.

    Wala po kami deed of sale pero may notarized contract to sell. Ano po ba maaari kong gawin bilang seller? Ang goal ko lang po ay either mapilitan siyang bayaran ng buo ang bahay kung paano man niya gagawin yung OR mapaalis na lang siya.

    Eto po yung CTS namin:
    https://drive.google.com/file/d/1kkaT8kTJSwK0sHTDk0OXiYyAuqt93Goj/view?usp=sharing

  11. good day po! ask ko lang po ano po ang pwede namin gawin hindi po nakaregister ang name ng bf ko sa city hall at NSO. Adopted po kc sya at ung name at birth nya ang nakaregister. Ang nakalagay sa ID’s nya ay yung name nya after adoption. Balak po kc nya ipa-annul ang marriage nila ng ex wife nya which is second name ang gamit nya. ano po ang pwede namin gawin? salamat po

  12. good day atty, mag seek lang po ako ng advice.. may kaso po ako sa dato kiong trabaho nakipag tu;lungan namn po ako sa investigation tinanggal po nila ako at pinagbbyad ng 125 000 hanggng may pero ang nabayd ko lang po ay 27k hangng may 8 nun may 23 pinadhan nila ako ng demand letter for 125ooo uli tpos po ngaun ay subpoena for estafa .aminado namn po ako dito maari po ba bayaran ko pa eto ng wla sa court

  13. Hi Atty

    I have a girlfriend po and her father abandoned her when she was 11yrs old po ng walang kahit anong sustento. Ngayon bumalik ang tatay nya bigla dahil gusto silang palayasin sa bahay na kanilang tinitirahan dahil ang lupa ay pag mamay ari nilang magasawa (kanyang nanay at tatay). Ang bahay naiwan nuon ay nagiba dahil sa bagyo kaya nung tumuntong sa wastong edad ang girlfriend ko ipinaayos nya ito at ipinagawa. May habol po ba kame sa mga taon na nawala ang tatay nya ng hindi sinusustentuhan silang mag ina ? Ang hinala ay nag karoon ito ng ibang pamilya. Salamat po.

  14. Hi atty good evening po we have a pending case of slight physical injury for pananampal and sabunot (Accused). (re details on what happen i will disclose it privately kung bat po nagawa yun) the problem is wala po magrepresent smin na atty since masydo daw po mababaw yung case. Yung nagdedemanda po nagaask ng 20k for areglo . Ano po kaya magandang gawin ?

  15. Good evening po..ask ko lang po, nasangkot sa gulo yung asawa ko noon 2004. after wala namn po hearing na nangyari then all of a sudden nakatanggap po kami ng subpoena saying na may kaso sya for attempted homicide and tresspassing. pede po ba na magsampa ng kaso after 16yrs?

  16. Good afternoon po atty., nahuli po at isa nyang kasama at kinasuhan po yung asawa ko ng R.A 9165 section 11, pero nhuli po sya sa salang pagsusugal lng po dapat.. hindi po nagtutulak ang asawa ko ng drugs pero pinagpipilitan po na meron silang nkuha, aminado naman po ang asawa ko na gumagamit sya NGUNIT hindi po sya pusher, tinakot po sila ng pulis at pinapirma po ng mga papel na hindi nman po sinasabi or binabasa sa knila yung nkasulat dun.. nkkhiya man po pero hindi po mrunong mgbasa ang asawa ko, ni elememtary hindi po nkatapos.. nkakabasa ng 2 letters word lng pero pgdating po sa mga 3 letters na hindi na po nya kaya iyon, sbi ng mga pulis n mpapababa yung kaso nila kung mgcocomit nlng sila o aamin kahit na wala nman dapat aminin.. alam ko po may laban po kami kung sakali.. anu po kayang mgndang gawin sa case ng asawa ko..

  17. Hi Atty,

    I, together with other victims of online lending apps desperately need a legal advice. I do not owe from these lending online apps, but my husband does. He borrowed money from Good Loan aka Fast Cash ( as they keep changing names.) Due to an unforeseen circumstance (namatayan sila) he couldn’t pay them on the due date. He informed them and asked for more time to pay. He thought it was settled already. Little did he know nag-text blast po itong fast cash sa mga contact list sa cellphone niya. Ang nangyari po pala without the borrower’s knowledge, once po nag download ng app in that way po nila nahahacked contact list ng cellphone ng mangungutang. Kahit po due date mo pa lang like what happened to my husband despite your pakiusap, wala po silang konsiderasyon. Until now the harrassment is continued po. We have a group chat on fb with other victims of these lending apps with unfair debt collection practices. Some po ay depressed na, couldn’t eat and sleep, may nakunan pa, may mga nawalan ng work etc. Their harassments po ay sobra, merong pang ipapakulam daw will send the borrower’s pic sa siquijor, merong pupunta daw ng bahay, MTC, small claims, nasa korte na daw, pa black list sa nbi, patanggal sa work, post ng pictures sa fb at poste ng barangay etc. Not to mention their 3.5 daily interest which is hindi naayon sa batas. We have one victim utang niya is 12k, she was forced to pay 21k kasi natakot siya sa mga banta. Paano po gagawin nila against these online lending apps who are not even registered or no business permit to operate. Marami na silang biktima at patuloy na mabibiktima. They are using attorneys names, law firms, and sometimes pretend to be one para lang makapanakot.

    We really need your advice. Thank you

    Lending apps:
    Paghiram
    Upeso
    Pondoloan
    Pondo peso
    Fast cash
    Good loan,
    Crazy peso
    Easy peso
    Lalapeso
    Cashwagon
    Cashalo
    Pera4u

    At marami pong iba. Just wanna help these victims po.

  18. Hi Atty. We want to consult po sana regarding mana sa lupa. Nagkaroon na po ng hatian sa lupa thru extrajudicial settlement pero nagexpire na po ang e-car at hindi naayos. Sa apat na pinamanahan, 1 nalang po ang buhay. Ang isang pinamanahan ay may anak. Ang isa naman po ay ibinenta na ang share nya thru deed of sale after extrajudicial settlement (walang mga titulo pa pero may kanya kanya ng tax declaration). Sa madaling sa salita ang pinakamay ari ng lupa ay may apat na anak, 3 ay namatay na 1 ang buhay pa. Paano po ba isesettle ito? Note: Naisanla ang buong lupa at nakaannotate din po ito sa likod ng titulo ngunit may release waiver na kami mula sa representative ng pinagsanlaan (patay na ang pinagsanlaan). I will appreciate your advice Atty. Salamat po.

  19. Good pm.
    I am a trainee physician in a hospital, but I am not being compensated. My attending physician and I encountered a complication during a procedure we did last year. The patient complained and demanded settlement. The complaint was addressed to the attending physician, but I was forced upon by him and several other attending physicians to pay the whole settlement. I had no choice but to do it because if not, I was threatened to be terminated from my training, hence, jeopardizing my future and career. Now I was thinking, what are my legal options and were my rights violated here? Thank you.

Leave a Reply